Chapter 38 - Asher Gabrielle Becker

143K 1.3K 29
                                    

Thank you broadband :) nang dahil sayo may updaaaaaaaate ako :) Hope you'll like it :D 

Mga ilang chapters nalang to then magsisimula na ulit ako ng panibagong story :D 

 Dedicated to her: Siya yung unang nag-tweet sa akin about my story :) Sorry if medyo natagalan ang pagdedicate ko sayo :* Thank you! God bless :) 

VOTE-COMMENT-BE A FAN :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

“Asher” tawag ko sa anak kong lalaki mula sa labas ng kwarto niya

“Coming nanay” rinig kong sabi niya mula sa loob

“I’ll wait for you downstairs” huling sabi ko sa kanya bago ako bumaba para maghanda ng breakfast dahil papasok pa siya sa school at ganun din ako.

Pagkababa ko ay nagprepare na ako ng kakainin at babaunin ng anak ko pagpasok. Wondering where we are? Where here in Canada, after kong umalis ng pilipinas 6 years ago, nagpunta muna ako sa L.A to check our business and stayed for almost 2 years before going here. May business rin kasi kami rito at dahil masyadong busy sila mom and dad sa ilan pang branch ay nagdecide na akong imanage ang business na andito pati na nung mga nasa iba pang part ng America.

What happened in the past 6 years? Well, bukod sa naipanganak at napakalaki ko ng ayos ang anak ko ay wala namang iba pang nangyari. Sa totoo lang, sa loob ng 6 na taon, marami ng nagbago hindi lang sa paligid at sarili ko pero alam kong pati ang puso ko ay nagbago na rin. I’m happy with my son, I’m happy with my life now.

Hindi ko alam pero sa loob ng 6 na taon ay hindi na ako umiiyak tuwing gabi dahil namimiss ko siya. Nung unang tatlong buwan, palagi akong naiyak at nagkukulong sa kwarto dahil sa labis na pagkamiss ko kay Lucas. Palagi rin akong napapaisip na gusto ko ng bumalik ng pilipinas tapos makipag-usap na sa kanya at ayusin na ang mga bagay bagay tungkol sa aming dalawa dahil may magiging baby na kami, pero naiisip ko palang na gagawin ko yun ay natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa akin.

Pagkatapos ng tatlong buwang paghihirap ko ay narealize kong kailangan kong magkaroon na ng sariling buhay at ipagpatuloy ang buhay ko dahil may batang aasa sa akin. Batang simbolo ng pagmamahalan namin kahit na nasaktan at natalo ako sa huli. Batang magpapaalala sa akin na ang kanyang tatay ay minsang minahal ang katulad kong babaeng palaging naiiwang nasasaktan. Batang nagbigay ng bagong pag-asa sa buhay ko at batang nagbigay ng liwanag at kasiyahan sa magulang ko pati na sa mga kaibigan ko.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon