Chapter 34 - As if you care

136K 1.1K 20
                                    

UPDATEEEEEEEEEE :)) Maikli lang. Pero sana magustuhan niyo. :)) 

VOTE-COMMENT-BE A FAN :D

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

“Uwi ba yan ng isang matinong babae?” bungad sa akin ni Lucas ng makapasok ako sa loob ng bahay ko. Paano siya nakapasok sa loob? Malamang meron siyang duplicate.

“As if you care” sabi ko sa kanya sabay punta sa kusina

“Of course I care” sabi niya. Naka-sunod pala siya sa akin.

“Really?” sabi ko

“Oo dahil fiancé kita” sabi niya

“Oo nga naman. Fiance mo ko”

“What’s your problem Gabbie?”

“Wala naman Lucas” sabi ko sa kanya with sarcasm. Ayaw ko munang makipag-usap sa kanya, naiinis pa ako at baka lalo lang kaming mag-away.

“Really Gabbie? Ano bang problema mo?” sabi niya sabay hatak sa braso ko paharap sa kanya.

“Wala akong problema” sabi ko sabay upo sa couch. I feel exhausted!

“Hindi Gabbie. May problema ka, nararamdaman ko” sabi niya habang nakatayo sa harapan ko.

“Goodness! Ano ba sa ‘wala akong problema’ ang hindi mo maintindihan? Sinabi na ngang wala akong problema! Bakit ba paulit-ulit ka?!” naiinis na sabi ko sa kanya. Pagod na ang utak ko tapos kukulitin niya pa ako ng ganito. Nakakainis!

“Kasi tinatanong kita kung anong problema mo o natin, bakit hindi ka na lang magsabi ng mapag-usapan natin ito?! Pagod ako Gabbie at ayokong mag-away tayo” frustrated na sabi niya

“Pagod ka? Saan ka ba napagod?! Sa pakikipag-date mo sa Ex-girlfriend mong haliparot?! Sa pakikipagtawanan sa kanya? Sa bagay nakakapagod nga naman talagang makipaglandian sa ex-girlfriend mong halos ikinabaliw mo noong iwan ka” sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

“Why? Bakit parang nagulat ka? Nakalimutan mo bang mall ko ang pinuntahan niyo at restaurant ko ang pinagkainan niyo? Bakit di ka makapag-salita? Sa pagkakaalam ko, nagkaroon lang tayo ng konting misunderstanding kaninang umaga tapos makikita kitang kasama iyong haliparot mong ex-girlfriend? E sa pagkakatanda ko, halos isumpa mo na siya noong nakita mo ulit siya tapos ngayon may pa lunch lunch date pa kayong nalalaman? Seriously Lucas?” mahabang sabi ko sa kanya tapos naglakad na paakayat. Gusto ko ng magpahinga, sa ngayon tanggap kong hindi kami magkakabati dahil sa nangyari.

“Kung hindi ka na magsasalita, umuwi ka na. Paki-lock ang pintuan at ang gate, thanks” sabi ko sabay pasok sa kwarto. Hindi ko siya iintaying magsalita ulit dahil mukhang natuklaw siya ng ahas sa itsura niya. Hindi makapagsalita at hindi makapagpaliwanag sa nakita ko. Siguro bukas, pwede na kaming mag-usap.

Bago ako pumasok sa shower ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan at ng sinilip koi to ay nakita kong paalis na ang magaling kong fiancé. Kitams? Hindi niya man lang ako pinuntahan dito para habulin at magpaliwanag. Oo alam kong sira ulo at baliw ako kasi sinabi kong umalis na siya kung di naman din siya magsasalita, pero kung matalino kang tao matik ng magpapaliwanag at hahabulin o pipigilan mo yung taong nagawaan mo ng kasalanan.

Pumasok at nagbabad na ako sa bath tub. Gusto kong marefresh, gusto kong makaramdam ng konting relaxation. Pagkatapos ng ilang minutong pagrerelax sa bath tub ay nagready na ako para matulog. Bukas ko nalang siya pupuntahan sa condo niya para makapag-usap din kami ng matino.

**

Kinaumagahan, nagluto muna ako ng pagkaing dadalhin ko sa condo ni Lucas. Kailangan namin makapag-usap at gusto ko ring mag-sorry sa mga nasabi ko kagabi. Mainit at pagod lang talaga ako kaya ko nasabi iyon sa kanya. Pagkatapos kong magluto ay nagdrive na ako papunta sa condo niya para magsorry at ng magkabati na kami.

Nang makadating ako sa condo unit niya ay hindi na ako kumatok o nag-doorbell dahil may duplicate din naman ako ng unit niya kaya naman tumuloy na ako sa loob.

Nang makapasok ako sa loob ay wala namang kalat kaya naman nagdiretso ako sa kusina at inaayos ang pagkaing dala ko. Pagkatapos kong ayusin ang breakfast niya sa tray ay umakayat na ako sa kwarto niya, pero sana ay hindi nalang pala. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------

25 votes + 15 comments = Update :)))) 

Sorry kung medyo-maarte! :)) Kailangan lang kongting pangpa-push para magsulat. :D AHAHAHA

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon