Chapter 22 - Wedding Preperations

197K 1.8K 80
                                    

Ayun, sunod sunod nga talaga ang update ko. Inspired ako dahil may posibilidad na magkita kita kami ng mga classmates ko noong highschool, namimiss ko na kasi talaga siya kaya naman gumagawa kami ng paraan para magkita kita. 

Kung kayo ang tatanungin, magpapakasal ba kayo sa isang taong nagawa kayong iwan noon dahil sa napaka-gagong dahilan? Handa ba kayong pagkatiwalaan ulit ang taong iyon kahit na nagawa niyang iwan noon? At higit sa lahat, magpapakasal ba kayo sa taong dahil mahal mo siya o dahil ayaw mong malungkot ang magulang mo?

Thank you sa sasagot! :)

VOTE - press the 'Star button' doon sa taas :) Saglit lang yon oy! :))

COMMENT - Bago niyo iclose yung tab nitong story ko, magleave muna kayo ng comment. Kahit na panlalait pa yan, okay lang. :D hindi naman ako pikon at hindi ko naman kayo gegerahin, kasi opinyon niyo yan. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

Mabilis lang ang pagdaan ng araw at ngayon ay Thursday na at sa linggo ay ikakasal na ako. Nakahanda na rin ang plano ko at alam ko namang maiintindihan ako nila mom sa balak ko. I know maiintindihan nila ako, kasi anak nila ako at mahal nila ako.

Papunta kami ngayon ni Mom sa Cavite para kausapin ang magcocover ng kasal ko, pupuntahan namin yung isang kaibigan ni mom para makadiscount daw. Maya maya pa, nakarating na kami sa tapat ng ‘Camie Photography’. Babae pala ang may-ari. Narinig ko kay mom na magaling ito at isa sa pinaka-indemand ng photographer sa ibang bansa. Mga sikat raw ang mga cliente nito at talaga binabalikan siya ng mga ito. Nalaman ko rin na ito pala ang main branch, dahil taga-rito raw ito.

Kaibigan ito ni mom simula pa noong highschool siya at talagang gusto niya ang kanyang ginagawa. Kasama niya raw sa pagpapatakbo nito ang isa pa nilang kaibigan na si Tito James, kaso ito raw ang namamahala ng Manila branch nila dahil andun daw ang pamilya nito. Pero isa siya sa mga kukuning photographer ni mom at alam na raw iyon ni Tito James.

“Amiga!” bati ni Mom pagkakita sa isang babae na maikli ang buhok at medyo mailiit lang din katulad ni mom. Medyo mataray siya kung titingnan.

“Graciiiiiaa!” sabi nito tapos sumimangot si mom pagkatawag sa kanya non. Seriously mom? Natawa ako bigla kaya naman tingnan ako ng masama ni mom tapos pinigil ko yung tawa ko, ayaw niya kasing tinatawag siyang Gracia, kasi wala naman daw siya sa Spain para tawaging ganun. May lahi kasing Spanish sila mom dahil kay lolo.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon