Chapter 21 - His Ex

182K 1.7K 74
                                    

Hello? :)) Update ko for todaaaaaaaaaaay! Aba, himalang himala sunod sunod ang update ko. AHAHA! 

Inspired kasi ng Maroon 5 at ni Taylor Swift kaya naman nakakapagsulat ako ng update. Sabi ko sa sarili ko hanggang 30 chapters lang to, pero naisip ko gawin ng 50 chapters. :) May mga naisip kasi akong twist :D 

SANA MAY READERS PA PO AKO DIYAN :D Sa mga silent readers, thank you guys! :* Sa mga active voters, thank you guys :* Sa mga active commenters, thank you guys :* 

 

VOTE - click niyo muna ang 'star button' bago kayo magbasa :) Saglit lang yon. 

COMMENT - bago niyo iclose yung tab, comment muna kayo. Nega o Posi ayos lang :D

Dedicated sa kanya kasi natuwa ako sa comment kaya naman sinipag akong mag-update :) 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lucas POV

Katulad ng napagpasyahan ko kagabi, maaga akong pupunta kila Gabbie para ipagluto siya tapos sabay narin siguro kaming pupunta sa office tutal on the way naman ang company nila. Balita ko, dumating ang parents niya noong isang araw at nakamiss siya ng isang gabi na hindi matulog sa bahay nila. Nag-ayos lang ako ng sarili ko syempre business suit ang suot ko dahil may trabaho pa akong kailangan tapusin.

Pagkarating ko sa condo unit ni Gabbie nagdoor bell ako ng dalawang beses at nagulat pa siya ng makita niya ako.

“What are you doing here?” tanong niya. Nakaready na rin siya sa pagpasok sa opisina. Ang ganda niya talaga sa ganitong attire niya, black pencil cut skirt, red polo with black coat then naka-red pumps pa siya tapos lahat yon ay branded.

“Breakfast?” sabi ko sa kanya at agad naman siyang nagtaka kasi wala naman akong dalang kahit ano.

“Ipagluluto kita” sabi ko tapos pumasok na sa loob ng unit niya. Tinanggal ko ang coat ko tapos kinuha niya at inayos ng pagkakalagay. Wow parang asawa lang, ang sweet. Ang aga aga nagdadaydream na naman ako. Makapagluto na nga!

Binuksan ko ang ref niya at may nakita akong chicken doon, tapos kinuha ko yon habang dinedefrost ko naghanap ako ng iba ko pang gagamitin at thankful naman ako dahil may mga nakita akong kailangan ko.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon