Chapter 11 - Birthday niya?

241K 2.4K 74
                                    

Maikli lang po itong update na to. Sana po magustuhan niyo :>

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gab’s POV

Nagising ako ng may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa binti ko. Nasa tabi ko si Lucas na ang himbing ng tulog, gwapo sana to eh kaso parang may mali sa kanya. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko yung mata niya nakikita ko yung galit, takot, hirap at kung anu-ano pang emosyon. Marahil ay may dinadala rin siyang problema niya katulad ko.

Dahan dahan ako tumayo, para pumunta sa banyo at mag-ayos ng sarili para makapag-luto ako ng breakfast naming dalawa.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina para magluto. Bacon, egg, hotdog, toast at ham ang nakapagdesisyonan kong lutuin bilang agahan.

“Hey” sabi ni Lucas pagkadating niya sa kusina

“Hey. Umupo ka na diyan, malapit na kong matapos” sabi ko habang inilalagay ang toast sa plato at kinuha ko ang freshmilk na nakita ko sa loob ng ref niya.

“Let’s eat” sabi ko at sinimulan ng kumain ng niluto ko. Nagsimula na rin siyang kumain at tahimik lang kami habang nakain at noong matapos kami ay agad din kaming naghugas ng kanya-kanya naming pinagkainan.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ko, nagpunta ako sa sala kung saan siya naka-upo. Tumabi ako sa kanya na busy sa panonood ng tv.

“Paano yung plano?” tanong niya sa akin pagka-upo ko sa kanya.

“Sinabi ko na sayo kagabi db?” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot at nagconcentrate na ulit sa panonood ng tv.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon