h s - t h i r t y - e i g h t

5.9K 266 96
                                    

thankyou kay Aengel dahil ginawan niya ng poster ang His Sasaeng :-)

happy 60k reads!

--

h s - t h i r t y - e i g h t

Klyppton

Napatingin ka sa lalaking kausap mo ngayon. Halos hindi ka makapaniwala sa sinabi niya. Sa buong buhay mo, hindi ka pa nakarinig ng ganitong kataga. Tanging ngayon lang kaya naman nagulat ka. At ang malala pa, sa taong hindi mo pa mahal.

"I broke all the rules and I broke them all, just for you." tinignan ka niya at binigyan ng mga mapupungay na mata. Binigyan mo lang rin siya ng titig. Sa mga pinapakita pa lang niya ngayon ay deserving talaga siya sa babaeng mahal niya. Kasi lahat ng efforts makikita mo talaga. Gumagawa talaga siya ng mga paraan para maipakita niya na totoo siyang nagmamahal.

"If I give you a chance? Will you prove to me that you're really deserving for my heart?" nginig mong tanong sa kanya. Naisip mo naman kasing hindi masama kung magbibigay sa kanya ng pag-asa. Sabi nga nila, kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman

"That would be a privilege, Amethyst. I can prove to you how deserving I am for you heart. Thankyou." pagkatapos nun ay ngumiti siya't mabilis niyang hinawakan ang iyong mukha at hinalikan sa noo. 

Now that you gave him a chance, sana nga matuto mo siyang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Baekhyun. Hindi man ganun kalalim pero sana naman mabigyan mo ng pwesto si Kai sa puso mo. Baka siya rin kasi yung 'soulmate' mo. Baka kasi masyado ka lang bulag kay Baekhyun at hindi mo napapansin yung taong nararapat sayo. Baka nga tama si Klyppton na mahal mo lang ang paghahabol kay Baekhyun. Ngayong binigyan mo na siya ng pag-asa, dito mo na malalaman kung sino ang mas matimbang. Kung sino talaga ang minamahal mo. Kung sino talaga ang tinitibok ng puso mo.

"Sige na umalis ka na. Kakailanganin ka pa dun." tinulak mo siya papaalis sa kwarto mo. Pagkatapos niyo kasing maglakad lakad sa tabing dagat ay pumasok kayo sa kwarto mo. Masyado na kasing malamig sa labas kaya pumasok na kayo. 

"Ehh. Dito muna ako. Pagod ako sa byahe." sabi niya at mabilis na tumakbo sa iyong kama at humiga. Tinakpan niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang braso. Napapout ka naman sa ginawa niya. Wala talaga kasi siyang balak umalis.

"Huy, umalis ka na kasi. Ang kulit ne'to." sabi mo at hinila hila mo ang kanyang braso ngunint hindi siya nagpatinag. Nakapikit lang siya at parang tulog na tulog na. Pinindot mo ang kanyang pisngi ng magising ngunit hindi pa rin siya gumigising.

"Hoy sabi eh. Bahala ka kakalimutan kong artista ka at susuntukin kita ng magising kita diyan." sabi mo at humalukipkip. Naiinis ka na dahil alam mong nakikipagbiruan lang ang isang to. Nakita mo kasing kumurba sa ngisi yung labi niya nung masabi mo yun pero agad naman niya itong pinalitan.

"GISING NA KASI! ANG KULIT!" sabi mo at kinamot na ang ulo dahil sa inis. Ewan mo ba't naiinis ka ngayon dahil sa pinapakita niya. Siguro magkakaroon ka na bukas. Pero at the same time natatawa ka na lang dahil sa pinaggagawa ng isang to.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon