h s - t h i r t y - s i x

5.9K 285 101
                                    

mabait akong author kasi ang bilis kong mag-UD hell joke! trip ko lang tapusin na ito ng masimulan ko na ang shutterbug wahehehehe. 

oy grabe kayo guys haaaa~ sasabunutan niyo talaga siguro ako kung hndi ko sinabing wag niyokong sabunutan dun sa last chapter lolololololololol i hate youuuuuu joooowwkkk 

advance happy 56k! ANG BILIS! THANKSSSSS

--

h s - t h i r t y - s i x

Prank Call?

[Hello? Amethyst! Ano nang nangyari sa date niyo? yiiee--]

"Pwede ba akong matulog sa inyo?"

[Huh? Teka baki--]

"Please?"

[O-Okay.]

"Thankyou. I'm on my way, bye."

[Teka--]

Bumuntong hininga ka at binaba ang cellphone. Tumingin ka sa mga nagdaraang sasakyan. Pauwi ka na ngayon at dun ka muna matutulog sa bahay nina Klyppton. Nakapagpaalam ka naman na sa mga magulang mo at pumayag na sila.

Napasinghap ka ng maalala mo yung nangyari kanina. Tinalikuran mo ang isang Kim Jongin. Iniwan mong tulala ang isang artista. Ni hindi ka na lumingon pagkatapos mong bitawan ang mga katagang yun. Hindi mo rin alam kung narinig niya ba yun o hindi.

Iniisip mo kung naging tama ba ang ginawa mo kanina. Na tama bang iwanan siya dun. Na tama ba ang mga salitang binitawan? Satingin mo naman tama dahil kung hindi mo pa sasabihin ng maaga, aasa at aasa pa rin siya.

Itong mahirap kapag nagmamahal. You can't control love. That's the best and worst part of it. Kahit sabihin mo pa na mahal ka nung tao, hindi mo maididikta sa sarili mong puso na dapat siya na lang ang mahalin mo. Hindi mo pwedeng iexchange yung feelings. Kung sana nangyayari yung mga ganung bagay, edi sana mas madali, o hindi? Madali dahil maibibigay ng taong mahal mo yung pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Mahirap dahil kung ganun kadaling diktahan ang puso, madali ka lang ring mapag-iwanan. 

Ng nasa tapat ka na ng bahay nina Klyppton ay madali ka agad na nakapasok dahil hinihintay ka niya sa labas ng gate nila. Pinauwi mo na yung driver niyo. Pumasok na agad kayo sa kwarto at pagkapasok na pagkapasok mo pa lang ay hinarangan ka agad ni Klyppton.

"Anong nangyari? Bakit ang tamlay mo? Bakit malungkot ka? Inaway ka ba ni Jongin? Susuntukin ko na ba? Ano? Sabihin mo sa akin! Sinaktan ka ba niya??" bumuhos lahat ng tanong ni Klyppton sa iyo. Halos mahilo-hilo ka dahil sa dami.

"Ang daming tanong. Gusto ko ng matulog." sabi mo at humiga sa kama. Ewan mo ba't pagod na pagod ka ngayong araw samantalang yun lang naman ang ginawa mo.

"Huuuy! Hindi pwedeng matulog hanggat hindi mo sinasabi sa akin bakit ganyan ka! Inaway ka ba ni Jongin? Sinaktan ka ba niya? Huuuy!" inalog alos ka niya para magising. Gusto mo na talagang matulog kaso hindi ka yata makakatulog kung may kaibigan kang sumisigaw at pinipilit kang gisingin.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon