h s - s i x

11.1K 389 59
                                    

Happy 2k reads!! THANKYOU!!

x: long comments please ♡

--

h s - s i x

Jailed

Malamya kang umuwi ng bahay niyo. Masakit ang iyong likod dahil narin dun sa pagpipigil sa iyo nung dalawang bodyguard. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang ng bahay ay tumungo ka agad sa kwarto mo. Naglinis ka lang saglit ng katawan at humilata na sa iyong kama. Tumitig ka lang sa kisame. Binabalikan mo lahat ng mga nangyari kanina. Yung nahawakan mo ang kanyang kamay. Yung muntik mo na siyang mahalikan pero may pumigil...

Napabangon ka sa kadahilanan na hindi mo nga pala nalingon yung taong pumigil sa iyo. Hindi mo alam kung sino ang sumigaw nun. 'Posibleng mga bodyguards yun.' isip mo at muling humiga sa kama. Bumuntong hininga ka dahil sa pagod.

"Jagi... you have 1 new message." rinig mong tunog ng iyong cellphone. Napangiti ka. Boses kasi ni Baekhyun ang ringing tone mo. Tinawag ka pang 'Jagi' na ibig sabihin ay 'Asawa'. Nakuha mo lang itong ringing tone na ito sa youtube. At dahil nga likas na fangirl ka, ayan, dinownload mo at ginawa mong ringing tone.

Kinuha mo ang cellphone mo sa side table at binasa na ang text.

From: Asawa ni Kyungsoo

Just got home. Ang sakit ng katawan ko dahil sa punyaterang bodyguards! Tsk. Chance ko na yung kanina eh. Kundi lang dahil sa mga bodyguards na yan. Peste!

Btw;; don't forget! Nasa "Kwento mo kay Nunsyo Radio" mamaya ang EXO!

Text? 'grp xx dyosang asawa ni dyo.

Napatawa ka na lang sa text ng kaibigan mo. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pagiging good vibes nito kahit may nangyaring hindi maganda. Inihanda mo naman na ang iyong radyo para mapakinggan mamaya ang EXO.

Humilata ka muli sa kama at pinagmasdan ang kisameng may mga litrato niya. Oo, nilagay mo ang isang malaking picture ni Baekhyun dun. Wala eh, desperada na kung desperada, gusto mo eh. Pinagmasdan mo ang mukha niya. Ika nga 'Walang perpektong tao sa mundo' pero ba't ganun? para sayo... Perpekto siya? Na kahit saang anggulo ng kanyang mukha ay napakaperpekto ne'to. Sa sobrang pagkaperpekto eh marami ring nagkakagusto sa kanya. Na hindi lang ikaw ang may nararamdaman para sa kanya. Na kahit sino pwedeng mainlab sa kanya dahil sa pagkaperpekto niya. Na marami kang kakumpetensya.

"Goodevening everyone! Welcome to Kwento mo kay Nunsyo Radio!" napatigil ka sa kaiisip ng biglang marinig mo ito sa radyo. Umayos ka bigla ng higa at tumutok na sa sasabihin nung Host.

"Kamusta ang gabi mga kaibigan? Naging maganda ba ang inyong gabi? Hahaha!" tawa nung Host kaya naman napangiti ka. 

"Alam niyo na ba kung sino ang guest natin mga kaibigan? Kung hindi aba'y dapat lang dahil surprise nga namin eh haha de jowk lang. Pero guuuyyss! Hot fafas ang mga igueguest ngayon! Nakakaloka!" napatawa ka dahil sa boses nung Host. Bakla kasi yung host kaya napapatawa ka.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon