h s - s e v e n t e e n

8.7K 323 56
                                    

Advance Happy 10k reads!

x: long comments please ♡

--

h s - s e v e n t e e n

Burger

"Yes. I have received all their gifts at nakakatuwa talaga."

"Yes. I have received all their gifts at nakakatuwa talaga."

"Yes. I have received all their gifts at nakakatuwa talaga."

Pinaulit-ulit mong pinanuod ang narecord na video ni Kai. Ito yung sinabi niya bago ka niya tignan. Oo, yan yun. Iniisip mo kung nakita niya na ba yung mga niregalo niyong dalawa ni Klyppton para sa kanya. Kung yung mga regalo niyo ba eh pasado sa lasa niya.

"Grabe~! Yung feels ko nung tinignan tayo ni Jongin Oppa~ Para akong nasa barkong malapit ng lumubog!" ani Klyppton na akala mo'y kumikislap ang mga mata (kung posible man yun). Nandito kayo sa canteen at breaktime niyo. Kumakain kayo ngayon ni Klyppton pero hindi mo matuloy tuloy yung pagkain mo dahil sa pinapanuod mong video ngayon.

"Sa tingin mo nakita na niya yung mga regalo natin?" tanong mo sa kanya.

"Naman noh! Tumingin pa nga sa atin kasi baka alam niyang sa atin yun galing so that means... OMG AMETHYST KILALA NIYA TAYO!!!! AAAAAAAHHHHH~" tumili tili ng parang tanga si Klyppton pero hindi naman masyadong malakas pero naka-agaw pansin pa rin ito sa ilan.

"Jusko Klyppton bunganga mo pero syet... kilala na niya tayo?" tanong mo at hindi mapigilan ang ngiti. Yung kilig nanararamdaman mo ay hindi humuhupa. Iniisip mo kasi si Baekhyun na pwede ka ring makilala katulad ni Jongin. Na hindi malayong mangyari. Kung ganun, kung makikilala ka ni Baekhyun... Magiging close kaya kayo?

"Oo kilala na niya tayo! Yung unan na may picture ba naman natin yung niregalo sa kanya eh sino bang hindi makikilala diba? Hahaha." napatawa ka na rin sa sinabi ni Klyppton. Naalala mo kasi yung niregalo niyo sa kanya.

"Sa tingin mo gagamitin niya yun?" tanong mo sa kawalan.

"Malay mo? Wag ka na ngang magtanong sa akin. Akala mo ako si Jongin." napailing ka na lang sa sagot niya. 

"Nga pala anong niregalo mo kay Kyung?" tanong mo uli sa kanya. Natigil naman siya sa pagkain at napalunok na lang bigla. Kumunot ang noo mo dahil sa natulala yata siya. Tinapik mo naman siya at naging balisa siya.

"H-Huh? Ah eh ano kasi..." di pa niya natatapos yung sasabihin niya ng biglang may dumating na babae sa inyo. You think freshman siya dahil sa suot niya. Maganda siya, may mahabang buhok at mapulang labi. Maputi rin.

"I-Ikaw!" nagulat ka nung bigla niyang tinuro si Klyppton na ngayon nakakunot na rin ang noo. Napahikbi yung babaeng lumapit sa inyo kaya lalo kang naguluhan. Hindi mo kasi alam kung bakit humihikbi yung babaeng nakaduro kay Klyppton.

"I-Ikaw may k-kasalanan nun!!" sigaw niya pero dahil nga humihikba siya eh hindi na ito masyadong malakas. Medyo pinagtitinginan na rin kayo ng mga tao sa canteen dahil umiiyak yung babae. Napatayo ka na.

"Ano bang problema mo sa kaibigan ko--" hindi ka pa natapos sa pagsasalita ng biglang magsalita yung babae. Galit yung babae at nagulat ka sa sinabi niya.

"KAYO ANG NAGING DAHILAN KUNG BAKIT MASAKIT NGAYON YUNG MATA NI KYUNGSOO! TINAMAAN NIYO KASI NG CAMERA NIYO!!" napakurap ka agad ng marinig mo ang lakas ng tono ng boses niya. Napatingin ka kay Klyppton na ngayo'y napakagat ng labi at nakatungo.

Hindi mo nasamahan si Klyppton nung birthday ni Kyungsoo dahil umalis kayo ng pamilya mo kaya naman hindi mo alam ang nangyaring ganito. Nalilito ka dahil sinisisi nanaman kayo ng mga tao dito.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon