h s - n i n e t e e n

8.4K 323 78
                                    

x: long comments please ♡

--

h s - n i n e t e e n

Flood

"Nakalimutan kong itanong... Friends?" Sincere. He asked you seriously so you should answer more in a serious tone too. Besides, you're actually talking to a superstar kaya kailangan mo pa rin siyang galangin pero kapag ganito yung nangyayari? Makapag-isip pa kaya ng tama yang utak mo?

"Huh? Ah oo naman noh! Dati pa kitang tinuring... friend." sabi mo at napalunok. Nakahawak pa rin siya sa braso mo na lalong nagpa-awkward sayo. Naghuhuramentado yung puso mo dahil sa kaba. May konting hiya ka pa rin namang natitira.

Ngumiti siya at para ka namang nasilaw. "Thanks. Sige pasok ka na sa sasakyan." sabi niya at sinubukang buksan yung pintuan ng kotseng katabi mo. Nanlaki ang mga mata mo sa ginagawa niya.

"A-Anong ginagawa mo--" hindi ka pa natatapos magsalita ng biglang may sumigaw na lalaki at dali-daling nilapitan yung kotseng binubuksan ni Kai ngayon.

"Anong ginagawa niyo sa kotse ko ha? Mga magnanakaw!" sigaw nung mga nasa mid-40 na lalaki. Napaawang agad ang bibig mo. Tama, hindi yan ang kotse mo, napagkamalan lang ni Kai na yan ang kotse mo. Napasapo ka na lamang sa ulo at napatawa ng bahagya.

"H-Huh? Ah uhm sorry Sir. Akala ko kasi kotse ito ng kaibigan ko. Sorry po." pagpaumanhin ni Kai at dali-dali ka niyang hinatak sa kung saan pero sinundan ka na lang niya nung napansin mong napapalayo na kayo sa nag-aabang na driver mo.

"Grabe. Napahiya ako dun." aniya habang naglalakad kayo ngayon papunta sa kotseng susundo sayo. Napayuko ka bahagya dahil naalala mo yung nangyari kanina. Sinubukan niyang buksan yung pintuan pero nakalock kaya pinipilit niyang buksan.

"Grabe! Hindi mo man lang sinabi na hindi mo pala yun kotse. Nakakahiya talaga." napatingin ka sa kanya bahagya at nakita mo ang pagtakip ng dalawa niyang kamay sa kanyang mukha. Napangiti ka.

Sa ngayon, medyo humuhupa na ang bilis na pintig ng iyong puso. Medyo hindi ka na-aawkward sa mga nangyayari ngayon. Para bang ang bilis makuha ni Kai yung kalooban mo? Masaya siyang kasama kahit kakakilala niyo pa lang. You feel comfortable.

"Sorry." tanging sambit mo. Hindi siya si Klyppton para sabihan ng 'HAHAHA BUTI NGA SAYO'. Alalahanin mo, si Kai yan. Yan yung iniidolo mo. Yan yung 2nd sa bias list mo. Yan yung crush mo. Hindi mo PA yan close kaya wag masyadong FC Lord. Sa totoo lang, kaya mong maging FC Lord sa iba kapag may kasama ka. Nahihiya ka kasi kapag mag-isa ka lang tulad ngayon. Pero pagdating kay Baekhyun? Ibang usapan na yan.

"I guess eto na yung totoo mong kotse?" naapatingin ka ngayon sa driver niyong nakatambay sa labas ng kotse. Itim na kotse ang tumambad sa harapan niyo. Malinis at bagong car wash. Eto lagi ang sasakyang ginagamit mo kapag magpapahatid.

"Ah oo. Eto na nga yun. Sige alis na ako." sabi mo at pinandilatan mo naman agad yung driver niyo. Nakuha agad ito ng driver niyo kaya agad siyang pumasok sa kotse. Tumingin ka muli kay Kai na ngayon ay nakatitig sayo.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon