h s - t h i r t y - s e v e n

6.1K 342 118
                                    

salamat kay ate kasi ginawan niya ng BC cover itong his sasaeng hehe thankyou uli :**

oh heto na yung chap na gusto niyong mangyari, maging masaya na kayo nyeta wahaha jowk lang

--

h s - t h i r t y - s e v e n

Cold Summer Night

Dumaan ang ilang araw ng tahimik ang iyong buhay. Hindi kayo nagpapansinan ni Klyppton kaya wala ka ring kausap. Pumupunta ka lang ng Mall para mag-aliw. Ayaw mo rin naman kasing itext si Kai dahil syempre nahihiya ka. At tsaka sabi ni Baekhyun, nagppractice sila.

Papunta ka ngayon sa isang resort para na rin magpaka-aliw. Ikaw lang mag-isa. Nagpahatid ka lang sa driver niyo papunta dun sa resort na yun. Magpapalamig ka muna dun dahil masyado kang nastress nung mga nakailang araw. Gusto mo munang magpakarelax. Niyaya mo nga yung magulang mo eh kaso hindi pa nila alam sa oras nila. Baka sumunod din daw.

Medyo malayo layo ito sa tinitirhan niyo. Bale 5 hours ang byahe. Maganda sa resort na ito dahil may infinity pool. Hindi rin masyadong maraming tao dahil medyo may kamahalan ang resort na ito. Pero ayos lang yun sayo dahil keri naman ng pamilya niyo. You'll stay here for 3 days.

Tinext mo si Klyppton na pumunta ka dun sa resort na yun kahit alam mong wala siyang paki sayo ngayon. Sinabi mo sa kanya na magpapalamig ka muna dun dahil masyado kang stress. Sinabi mo rin kay Baekhyun at sinabi niyang mag-enjoy ka raw.

Gusto mo nga sana siyang yayain kaso nahihiya ka naman. Iniisip mo pa lang na magkakaron muli kayo ng quality time ay kinikilig ka na. Yung magsswimming kayo ng sabay? Yung magbbonfire kayong dalawa? Yung kakantahan ka niya habang naglalakad kayo sa dalampasigan? Lahat ng yun naiimagine mo kaya naman kinikilig ka.

Nakarating ka na sa resort at ang unang napansin mo ay ang paghampas ng malakas na hangin. Natabunan agad ng iyong buhok ang iyong mukha pagkalabas mo ng sasakyan niyo. Napahawak ka sa magkabila mong braso dahil sa lamig. Pagabi na rin kasi kaya siguro malamig.

Tinulungan ka ng driver niyo sa mga gamit mo. May dala ka kasing isang malaking bag at isang shoulder bag naman. Nakapagpareserve ka na rin ng sarili mong kwarto. Pinaalis mo na rin agad yung driver niyo ng mailagay niya yung bag mo sa kwarto mo. Binigyan mo rin ng pera yung driver niyo para makapagdrive-thru siya.

Napahiga ka agad sa malaking kama mo. Bumuntong hininga ka at tinignan ang cellphone. Ni walang reply galing kay Klyppton. Nalungkot ka tuloy. Iniisip mo kasing galit nga siya sayo. Iniisip mo na baka mali yung ginawa mo. Na kung ganun ba talaga siya nasaktan sa mga binitawan mong salita.

Lumabas ka ng room mo ng may scarf at naka-beach dress ka. Magpapahangin ka muna kasi sa labas ng sa ganun ay hindi ka maburyo sa sariling kwarto. Gabi na at medyo dumadami ang tao dito sa resort. Yung iba magkakatropa at may bon fire sila sa gitna. Samantalang yung iba naman ay kasama ang kani-kanilang pamilya.

Napangiwi ka tuloy ng mapansin mong ikaw lang ang mag-isang naglalakad ngayon. Puro kasi sila may kasama. Lahat sila masaya kasama ng mga barkada't pamilya nila samantalang ikaw, mag-isa lang. Umiling ka na lang. Nandito ka nga para maging masaya pero bakit parang mas dumagdag lang sa bigat ng nararamdaman?

Naglakad lakad ka sa tabi ng dagat. Sobrang hangin kaya naman tinali mo muna yung buhok mo. Rinig na rinig mo ang mga alon sa dagat. Mga tawanan ng tao dahil sa kasiyahan. Mga sari-saring tugtog na isinasayaw nung mga hired dancers ng resort. At ang kantahan sa videoke.

Umupo ka sa buhangin at tinignan ang dagat. Habang tinitignan iyon ay muli mong binalikan lahat ng mga sinabi ni Klyppton. Kung bakit hindi mo binigyan ng pag-asa si Kai na patunayan ang kanyang sarili. Na kung bakit mo agad siya binusted. Kung bakit alam mo agad na mas matimbang si Baekhyun sa kanya.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon