Babysitter- 40 DM monyo part 2

11.4K 249 59
                                    

Eto na! Haha. Dedicated nga pala kay missy03/ Gianna Figueroa. Ayun. tsaka ko nalang aayusin ang dedication pag nag pc na ako. haha. eto na ang hinihintay mo! napaaga! dapat hndi pa talaga to pero eto na! XD

***********************

"Uy. Gutom na ko"

narinig kong pumasok si Arianne sa kwarto ko.

Hindi ko siya pinansin.

Nitong mga nakaraang araw, masasabi kong naging mas malapit na kami sa isa't isa. Kumpara sa dati na lagi kaming nag-aasaran. Hmm. Teka. Ako lang pala lagi ang nang aasar sa kanya. >:)

Aaminin ko. Naguguluhan na ako. Noong una, gusto ko lang talaga siyang asarin pero ngayon.

Gusto ko lang pa rin talaga siya asarin.

Lels.

Ang totoo,

Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung gusto ko siya or gusto ko lang talaga siyang asarin. o mahal ko na ata siya?

tsss. -.-

Ang bilis talaga ng panahon.

Tinanggap ko lang ang trabahong ito dahil kailangang kailangan ko ng pera. Hindi sa dahil ay naghihirap ako, kundi dahil naghihirap ang taong mahal ko. Oo. Nagtatrabaho ako para sa kanya. Ganun ako magmahal e. Gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko. Para sa kanya. Na ngayon ay ewan ko na kung mahal ko pa rin siya.

Ang bilis nga talaga ng panahon. Kasasabi ko lang pero heto sinasabi ko na naman. adik lang? -__-

Pero mabilis talaga ang panahon!

Sa sobrang bilis di ko namalayan na nahuhulog na pala ako. Hindi sa kama. Kundi sa kanya. Sa babaeng akala ko ay hinding hindi ko magugustuhan, pag-iinteresan, pagnanasaan, at mamahalin.

Fvck. Kabadingan. -.-

Kung anu-anong natututunan ko sa pagsama sa babaeng ito.

Pero ewan ko lang din. Hindi pa naman talaga ako sigurado. Kumbaga sa battery ng cellphone, malapit ng mafull charge.. 100%.

Saglit palang kaming nagkakilala. Yung hindi as mag classmate na magkakilala lang. Basta. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Tsaka madalas na kami lang ang magkasama. Kaya baka, malay mo, namimisinterpret ko lang ang nararamdaman kong ito.

Baka trip ko lang sya talaga asarin, o baka ako na pala ang pinagtitripan ng puso ko. fvck.

"Oi! Di mo ba ako naririnig. Pero teka. Mukhang imposible naman yun kasi sa laki ba naman ng tenga mo!" At tumawa si Arianne ng malakas.

"Anong gusto mong gawin ko?" tumingin ako sa kanya.

"Magluto ka!" at ngumiti sya ng napakalapad.

Gusto ko rin sanang ngumiti, pero di ko ginawa. tss. ano na bang nangyayari sakin? -.-

"Tinatamad ako. Ikaw na lang magluto."

"Susumbong kita kay Mama!"

"Edi isumbong mo. Andyan lang yung telephone. Sa side table" humarap ako sa kabilang side.

Fvck.. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung isali ko kaya to sa karera ng kabayo? e baka malamang lamang, ako na ang panalo. magkapera pa ako. -.-

"Galit ka ba?" tanong ni Arianne

"Hindi ako galit" sagot ko pero hindi ako tumingin sa kanya. Pfft. Baka lumampas pa sa finish line ang puso ko pag nagkataon. =__=

"Okay." sagot nya.

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon