Babysitter- 14

16K 367 43
                                    

"ahh..ehh..august..kase.."

Waaaahh! Pano ko ba to sasabihin? Na nandito si DM para ibabysit ako? Para alagan ako? >__

So..ayun kwinento ko na lahat kay August. Nakatulala lang sya. Walang imik.

"yun lang talaga yun..nandito sya para bantayan ako.." sabi ko.

"ok.."

napabugtong hininga ako..haay! buti naman at naniwala sya..teka.. Bat nga ba ko nagexplain sa kanya? Boyfriend ko ba sya?? >//////

"dito lang din ako hanggang dumating parents mo.." sabi ni august.

"WHAT???"

"bakit, ayaw mo??" tanong nya

"hindi..hindi..sige..pero anong gagawin mo naman dito?"

"babantayan kita.."

"eh si DM na nga yung nagbabantay sakin eh.."

"babantayan kita sa kanya.." turo nya kay DM. Parang may lighting dun sa mata nya papunta kay DM. Pero nung tumingin ako kay DM. Wala. Nakatunganga lang sya. Walang pakialam. Haaay. Buti na rin yon. Tsaka sino naman sya para makialam diba? He's just my..uhmm.. Babysitter?? Gosh! Ang pangit pakinggan!! * Ang tanda tanda ko na may babysitter pa ko.. Hmmm.. He's just my.. Uhmm.. My.. My... Tsk. Babysitter na nga lang. wala kong maisip eh. >____

****

Monday na ngayon. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nandito si DM at August. Anong nangyari nung araw na yon??

Wala!!

Walang mabuting nangyari.

Puro away. Sigawan. Puro payabangan ang nangyari sa dalawa. Ewan ko. Parang nakikipagkumpitensya si August kay DM. Ito namang si DM, patulan daw ba?? >_______

nakaupo na naman ako dito sa upuan ko..hmmm..ang lamig na talaga ng panahon..magpapasko na kasi. Ilang araw nalang.

Habang nakikinig kami sa teacher namin. Biglang pumasok yung principal ng school namin..

"Good Morning Sir Ocampo.." bati namin.

Napatingin ako sa katabi.

"oi..DM. Tumayo ka nga.."

pero ayun..di naman nya ko pinansin. Parang bad trip ata sya ngayon.

Napatingin ako sa harap. Hala. Patingin tingin sakin yung principal. Waaah! May nagawa ba kong mali? >____

waaah! Oo na! Ako na ang nagtapon dun sa may likod ng room. Tinamad kasi akong pumunta sa basurahan para magtapon eh..

"ma'am..magc-cr lang po.." sabi ni DM.

"ok.."

nandun parin yung principal. kinakausap parin nya si ma'am. Nakatingin lang ako kay DM. Ewan ko kung bakit. Wag ka ng magtanong. Pakiramdam ko talaga may something sa kanya ngayon..

Lunchbreak na hindi pa rin nakakabalik ng room si DM.

San naman kaya yun nagpunta??

"Arianne!! Tara!! Canteen!" napatingin ako sa may pinto.. Si Jael.. Tsk. Lagi naman yang ganyan eh. Excited na kumain. Kaya medyo tumataba eh.. Shhh.. Quiet lang ah. Secret lang natin to! Oi jael, pag nabasa mo to peace tayo ah! v^____^v

"wait lang.." inaayos ko pa kasi yung gamit ko eh.

"oi Arianne.. Pupunta na kami. Sunod ka nalang..."

aangal pa dapat si august kaso wala na syang nagawa. Nahila na sya.

hmp! ganun? mang-iwan daw ba? parang di bestfriends ah..

Naglalakad na ko papuntang canteen. Napatigil ako kasi nakita ko si DM. Galing sya sa principal's office.. Hmmm.. Bakit kaya? Nakakacurious! >__

sinundan ko sya ng tingin. papunta sya dun sa ewan. di ko alam. di ko pa napupuntahan yun.

San kaya sya pupunta?? Hmmm..

Dahil sa ako ay curious.. Sinundan ko sya. Nag-iingat ako kasi baka malaman niya na sinusundan ko sya. Baka sabihin pa nya stalker ako. Oo. Gawain to ng isang stalker pero kahit na! That doesnt make me a stalker! >_

teka. Nasan na ako? May ganito pala dito. May building pala na hindi na ginagamit. Abandoned na. Kakatakot naman dito..

Teka. Si DM!!

Biglang nawala si DM!!

Waaah! Ayoko na dito! Baka kung ano pa makita ko..

Patakbo na sana ako kaso pagkatalikod ko..

boooogsshh..kablaaamm..

O____O

>____

"D-Dm.."

"bat mo ko sinusundan?"

"ahh..kasi.." nagbackward ako ng konti.

"kasi?" lumapit sya.

"itatanong ko lang sana kung anong ginawa mo sa principal's office.."

"gusto mong malaman?" napakaseryoso ng mukha nya.

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Kinapitan nya ko sa shoulders tapos sinandal nya ko sa pader.

"d-dm.."

"gusto mo ba talagang malaman.."

"teka..a-ano bang problema mo!..pakawalan mo nga ako.."

"kaya ako galing don kasi nireport kita..."

"huh?"

nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko..

"ninakaw mo kasi puso ko.." pagkasabi nya. Naglakad na sya palayo.

>/////

di ba sa police dapat sya magsumbong?

nakatingin lang ako sa kanya. tumigil sya sa paglalakad.

"sa susunod wag mo na kong susundan.."

***

pasensya na kung natagalan. XD vote and comment!

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon