Babysitter- 23

14K 309 15
                                    

Saktong pagkaalis na pagkaalis ni DM biglang dumating si August.

Kung hindi ko lang kakilala simula first year yang dalawa iisipin ko na iisa lang sila. Haha. Lol. Napakaimposible naman non. Magkaiba sila ng itsura eh. Tsaka mas mahal ko si August no! Teka. Ibig sabihin mahal ko din si DM? Waaah! Mali! Mahal ko si August PERIOD! Wala ng kasunod! Walang labis. Walang kulang. Walang kinikilingan. Serbisyong totoo lamang. Lols.

Kinabukasan.. Pwede ding the next day kung ayaw mo ng tagalog. O kaya kung gusto mo ay alien language.. "Tgmjadhemjnejmxtdjmaday"

Exam na namin ngayon. Waaaah! Ako ay hindi masyadong nakapagreview. Pero kahit papano may alam naman ako. Haaay! Goodluck sakin!

Nakaupo na ko ngayon. Si DM pa rin ang katabi ko. Kaso kakaiba si DM ngayon. Parang antok na antok. Haaay. Bahala sya. Basta ako ay magsasagot na ng exam ko.

(fastforward.haha)

Natapos na ang exam. Waaaah! Torture! Dumugo ang utak ko! TT___TT Sana lang wag akong bumagsak no? Hmp! Sana lang talaga!! Nakakahiya sa isang babae na bagsak sa exam. Baka maturn-off si August sakin.

Nag-aayos na ko ng gamit ko. Etong katabi ko. Tulog.. =____= Wala ba tong balak umuwi??

"Hoy, DM. Gising. Uwian na.." niyuyugyog ko si DM pero ayaw pa rin magising.

"hoy.." dinudutdot dutdot ko yung pisngi nya.

"uwian na.hoy!"

at sa wakas! Nagising narin ang loko.

Okay. Edi sya na ang gwapo kahit bagong gising. >____

"salamat sa paggising sakin, Arianne.." tumayo na sya't kinuha ang bag nya tapos lumabas na.

Arianne. Ngayon ko nalang ulit narinig na sinabi nya ang pangalan ko ah! Kasi di ba. Girlfriend ang tawag nya sakin?

"Hoy. Arianne ko!"

napatingin naman ako sa tumawag sakin.

Si August ko! Lol. Oo. Inaangkin ko sya! ^_____^

"bakit?"

"tara,uwi na tayo!"

"dalin mo bag ko.."

"ayoko nga..ikaw nalang magdala ng bag ko.." tapos inaabot nya sakin.

Whatta gentleman! Hmp! >____

pero syempre dahil sa mabait ako..at MAGANDA ayon kay DM. Si August ang nagdala ng bag ko. Haha. Ang bait ko no? Eh kasi naman ang bigat kaya. Puro libro ang laman nun e.

Nakauwi na ako ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko nagdive agad ako sa kama. Namalayan ko nalang na naghihilik ako. Lol. Hindi ako naghihilik ah! >_____

Nagising ako ng 3am. Gutom na gutom ako! Hindi ako ginising ni mama para kumain. TT___TT Nakauniform pa pala ako. Nagbihis ako tapos lumabas na ko ng kwarto ko.

Waaaah! Ang dilim! Baka may mumu!

Weh! Hahaha. Binibiro ko lang kayo. Ako pa matakot sa multo? Buahahahaha! No way highway! ^______^

Binuksan ko yung ref namin. Hmmm.. Ano kayang makain?

Kinuha ko yung oreo na hindi ko naubos kahapon. Pagkasarang pagkasara ko ng ref. May bumulaga sa akin.

"WAAAAAAAAAAAAHHHH! MAGNANAK---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi tinakpan nitong kung sino man to yung bibig ko. Infairness ha. Mabango sya para sa isang magnanakaw.

"wag kang maingay girlfriend, baka magising parents mo.." bulong sakin nung lalaki.

Girlfriend??

Edi si ano to..

Si...

Tinanggal na nya yung pagkakahawak sa bibig ko.

"what are you doing here?"

"kinausap ako ng parents mo.."

"bakit naman?" nakatingin lang ako sa kanya. Gulat pa rin ako kasi ano namang ginagawa nitong lalaking to sa bahay namin.

"basta.malalaman mo rin.." tapos naglakad na sya papuntang living room.

Hmp! Ako ay nacucurious ng sobra! Pumunta ako sa kwarto nina mama at papa.

"mama.." dinudutdot ko yung mukha ni mama.

"hmmm.."

"anong ginagawa ni DM dito sa bahay?"

"bukas na anak.antok pa ko.."

hmp! Naman eh! Lumabas na ko ng kwarto nila. Waaaah! Ako ay sobra sobra ng nacucurious. Pag ako pa naman ay nacucurious lalo akong ginugutom. Bumalik ako sa kitchen para kumuha ng juice. Pagkatapos pumunta ako sa living room. Naabutan ko na nakahiga sa sofa si DM. Natutulog ata.

Binuksan ko yung tv. Paki ko kung magising to! Tsaka hindi naman ata yan magigising eh. Kasi nung ginigising ko sya kahapon antagal bago sya nagising kaya okay lang na maingay ako.

Diretso pa rin ako sa pagkain ko. Okay. Hindi ako makapagconcentrate sa panunuod ng tv. Imbis na tv ang pinapanuod ko. Hindi. Si DM. Wag ka magtanong kung bakit! Hindi ko din alam.

Hmp! Edi sya na ang gwapo pag natutulog..

Nagulat ako nung biglang minulat nya yung mata nya. Syempre binaling ko agad yung tingin ko sa tv. Yari ako pag nalaman nya na tinititigan ko sya.

"anong pinapanuod mo?"

"ano..palabas sa tv..duh!"

"ahhh..akala ko ako eh.."

oooops! Huli! Kasi naman eh! >_____

"feeling ka ah..palabas sa tv naman talaga pinapanuod ko!" pagdedeny ko..

"tss..huling huli na..itinatanggi pa.haha.pinagpapantasyahan mo ko no?"

waaaah! Kung ano anong pinagsasabi nitong lalaking to!

"araaayy! Joke lang!"

whaha binato ko ng unan..hmp!

*****

SALAMAT! Basahin nyo rin yung Sleepless Nights!! Yun ang first story ko! HAHA. XD

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon