Babysitter- 11

16.7K 416 41
                                    

**

"dun ka kaya sa kama.." utos ko

"eh pano ka?"

"ako ng bahala! Basta sumunod ka nalang!"

buti nalang at sumunod din sya agad.

Pinatong ko yung basin dun sa table tapos kinuha ko yung towel.

Nakaupo na si DM sa kama.

"humiga ka kaya no?" haaayy! Pumunta nga sa kama nakaupo naman!!

"pero.."

"humiga ka na kasi!"

ayun, natakot ata sakin..humiga na rin! Haha. Okay din pala na may sakit sya eh! Di sya makikipagtalo sakin kasi mahina sya. Wahaha! Weak! Lol! Ang bad ko! Pumapatol ako sa may sakit.

Haayy! Bat ko nga ba gagawin to?? Aahh.. Ewan. Kawawa naman kasi si DM eh.

Umupo na ko sa tabi nya. Pinunasan ko na yung mukha nya.

"salamat talaga.." sabi nya.

Tumango nalang ako.

Natapos na din ako sa pagpupunas sa kanya. Mukhang nakatulog na si DM.

Aalis na ko ng kwarto kaso bigla syang nagsalita.

"berna.."

napatingin ako sa kanya. Sleep talking??

"wag mo kong iiwan.."

huh?ano daw?? Inintay ko pa na magsalita sya kaso wala na. Hanggang dun nalang. Hmmmm.. Nakakacurious naman no? Who's berna?? At bakit parang napakahalaga ata nya kay DM? Hmmm.. Baka isa na naman yun sa mga babae nya dati. Siguro iniwan sya kasi babaero. Nakarma na pala si DM sa mga pinaggagagawa nya. Hahahaha buti nga!! Teka. Eto na naman! Inaaway ko na naman sya. Bad! >_____

Since wala na kong matutulugan dahil, duh! Nakahiga na si DM sa kama ko, ano naman tabihan ko sya?!! Kaya syempre, sa kwarto nalang ako nila mama matutulog. Okay na rin kasi malambot yung kama nila. ^______^

.

.

.

.

.

=______= anong oras na kaya? Bumangon na ko sa kama. Gutom na ko!! >_____

pumunta muna ako sa kwarto ko para icheck si DM.

Kumatok muna ko ng pinto.

"DM.."

Walang nasagot. Kumatok ulit ako.

"DM.. "

"baket?"

"ay palaka!! Baluga ka DM!! Gusto mo ata akong patayin eh!!" >_____

nagulat ako.nasa likod ko si DM.

"magugulatin ka pala.." tapos tumawa sya. Masigla na ulit yung pagtawa nya ngayon.

"mukhang magaling ka na ah?" sabi ko habang iniscan ko katawan nya. Ooops. Syempre nilampasan ko yung 'ano'. >/////

"oo..ang galing mong mag-alaga eh.."

"hmp..ang daya mo nga eh! Diba ikaw ang babysitter ko? Eh bat parang ako pa ang naging babysitter mo!!"

"about don..sorry talaga ha? Medyo napagod lang talaga ko. Ang dami kasing ginagawa eh.." sabi nya.

"teka.teka.bat parang napakabusy mo namang tao at ang dami mong pinagkakaabalahan?" tanong ko.

"ahh..wala lang..sayang kasi ang oras eh.mas okay na yung may ginagawa kesa yung wala..kasi malay mo..hindi ka na pala magigising bukas.." sabi nya.

Napakaseryoso nya habang sinasabi nya yon. Nakatingin lang ako sa kanya. Ewan. Di ako makapaniwala na isang lalaking tulad nya ang magsasabi non. I mean.. Basta! Nagets nyo naman siguro ako.

"oy tama na ang katitig..matutunaw ako.." pinat nya na naman yung ulo ko tapos umalis sa harap ko.

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!!" >////

*if only you could hear me shout your name..if only you could feel my love again..the stars in the sky will never be the same..if only you were here..*

teka..cellphone ko yun ah! Dali dali akong pumasok sa kwarto ko, may natawag. Si August, natawag! Sinagot ko yung phone habang naglalakad papuntang living room.

(ar-arriane au-august)

Ar:hello..

Au:Arriane.

Ar: o bat ka napatawag?

Au:ahh..ehh..nabalitaan ko kasi na wala kang kasama ngayon sa bahay nyo..

Ar: o, at kanino mo naman nabalitaan yan?ikaw ha, stalker..

Au: sikreto!..hindi ako stalker no., lover mo ako..

>//////

Ar:babaan kita ng phone gusto mo!!

Au: wag naman, bakit, masama na ba magsabi ng totoo ngayon? narinig ko na tumawa sya ng konti.

"uhh,arriane.." sabi ni DM.

Au: may kasama ka ba dyan?

Patay! Narinig ata ni August. Sinenyasan ko si DM na wag syang maingay. Waaah! Ayokong malaman ni August na kasama ko ngayon si DM kasi magagalit yon sigurado! >_______

Au: arriane. Nandyan ka pa ba?

Ar: ahh, oo..nandito pa ko. Ako lang tao dito sa bahay tsaka kapatid ko. Bakit?

Au: ahh..wala kasi parang may narinig akong lalaki eh.. Sigurado ka ba na ikaw lang ang tao dyan?

Ar: ahh..ehh..oo naman no!

Napatingin ako kay DM. May sinasabi sya kaso di ko maintindihan.

Au: nga pala, pupunta ko jan..

Ar: Ano???

Patay!!! Pupunta si August!

Au: o, baket?

Ar: ahh..wala wala..sige..

Okay. Wala pa naman sya eh. Papauwiin ko nalang si DM.

Au: actually..

Ar: hmmm..

Au: nandito na ko sa tapat ng bahay nyo.

Ar: what??! As in, sa tapat ng bahay namin! Nasa may pinto ka na!

Au: yep, kanina pa, bago ako tumawag.

PATAY!! Pano ko na mapapauwi si DM! Waaahh!! >_____

***

vote po kayo ah.comment din.salamat! XD

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon