Babysitter - 29

13.2K 286 25
  • Dedicated kay Ibyang Rosas
                                    

<---- Vote 

August's Pov

Hindi ako nakapasok kaninang umaga dahil pumunta ako sa bahay nila Aly para kamustahin si Tita. Miss na miss na raw nya ako.

Si Arianne kaya. Hindi ko sya nahatid sa school. Nakalimutan kong sabihin sa kanya. Tss.. Dapat pala pinagpabukas ko nalang tong pagpunta kina Tita ngayon. Ngayong araw din kasi ang alis ng mama at papa ni Arianne. Sigurado ako na malungkot yung babaeng yun. =_______=

Di ko namalayan ang oras, magtatanghali na pala. Gusto kong pumasok ng school. Gusto kong makita si Arianne. Miss ko na eh. Tsaka miss na ako nun. LOL. Asa ka pre. =______=

Sinabi ko kay Tita na uuwi na ako kasi papasok pa ako ng school. Ang kulet. Ayaw pumayag pero ayun, ng dahil sa charms ko napapayag ko den kaso.. 

"Sama ko August.." nakangiting sabi ni Aly

"Huh? Ahh.. Ehh.. "

teka. Papayag ba ako? Buong umaga na nga kaming magkasama pati ba naman sa school ay kasama ko pa rin sya.

"Please.. August..." nakapout pa sya habang nagmamakaawa.

Masusuka ako! HAHAHAHA. Lol.

"Yak! Tigilan mo na nga yan! Nasusuka ako Labs. Oo na. Isasama na kita.." sabi ko nalang.

"HMP! Bakit? Hindi ba bagay sakin?" nakapamewang nyang tanong.

Umiling nalang ako. Haha. Di ko mapigilan ang mapangiti. Dati lalaki kung kumilos tong si Aly. Nanggaling lang sa States naging babaeng babae na. Haaayy. Buhay nga naman..

"Nginingiti ngiti mo dyan!" sabi nya na nakakunot ang noo.

"Wala. Ang ganda mo kase..Hmmm.. Asan na kaya si Alfred.. " tapos tumawa ako.

"HMPPTT! Wala na sya! Pinatay ko na! Pinalapa ko sa buwaya at pating! Ayoko na sa kanya. Sawa na ako sa lalaking yun! Naiinis ako pag naaalala ko sya.." galit na galit nyang sabi.

"Whoa. Easy ka lang Aly.. Wag masyadong highblood. Papangit ka nyan. Sige ka.." tumawa ulit ako. Haha. Ang ganda kasi eh. Hindi lang ako makapaniwala.

"Haayy. Ewan ko sayo August.. Pinapainit mo ang ulo ko.."



SCHOOL..

Naglalakad na kami ni Aly sa school. As usual, pinagtitinginan na naman ng mga lalaki tong si Aly.

Ayun, feel na feel naman nya. Kulang na lang ay kumaway na parang Miss Universe o kung ano pa mang title. Tss.. Di ko naman din kasi ipagkakaila. Maganda nga talaga si Aly. Pero hindi ko sya pwedeng magustuhan. Kahit na maganda yan, hinding hinding hindi ko yan magugustuhan. Si Arianne lang ang nag-iisang mahal ko. At wala ng makakapalit sa kanya dito sa puso ko. Tss.. Oo na! Corny na. =______=

Nakita ko sa di kalayuan si Arianne. Napangiti ako kaso bigla ding nawala nung nakita ko kung sino yung kasama nya.

Si DM.

May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Pucha. Nagseselos ako. Kung pumasok ako kanina ako dapat ang kasama nya ngayon at hindi ang g*gong yun. >_____<

"Arianne.." tawag ko sa kanya.

Medyo nakakunot yung noo nya nung nakita nya na may kasama ako. Pinakilala ko naman sa kanila si Aly. Etong si Aly naman ay isang baliw. Gusto ko na syang batukan kaso pinigilan ko nalang ang sarili ko. Ipakilala ba naman ang sarili nya na Girl FRIEND ko.

Pero ng dahil sa ginawa nyang yun, nakita ko na medyo kumunot ang noo ni Arianne. Teka. Nagseselos ba sya?? 

Naiisip ko pa lang na nagseselos si Arianne. Napapangiti na ako. ^______^

Mahal na nya ata ako. Whooo. =_____= Sana nga.

Nawala ang ngiti ko nung pinakilala nya si DM na boy FRIEND nya daw. Puchang kabayong inihaw ng patihaya! Bakit naman ganon ang pagpapakilala nya kay DM?

Pwede namang sabihin nya na " Si DM. Isang linta.."

o kaya.

"Si DM. Halimaw yan sa banga.. Mabaho ang kanyang bunganga.. "

Basta! Napakarami ng pwede bat ganun pa!!! Kung ako nga eh , hindi pa nya pinapakilala na ganun, lagi nalang. "si August, BESTFRIEND ko yan.."

Oo na. Bestfriend lang ako. Bestfriend PA lang. At hindi ako makakapayag na hanggang dun nalang yun. Mahal ko si Arianne at nararamdaman kong mahal nya rin ako. 

May naisip naman akong plano. Tutal nandito naman si Aly. Pwede ko syang gamitin para pagselosin si Arianne. Tsk. Masama ba? Gusto ko lang talagang malaman kung may nararamdaman ba talaga sya sakin o wala pero kung wala man

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon