Chapter 4: Diksyunaryo

3.7K 50 22
                                    

Chapter 4: Diksyunaryo


Kinabukasan, pumasok ako ng maaga kasi usapan namin ni Rica yun. Dumating na ako sa school, nakita ko si Rica malapit sa gate, kung saan ang pinag-usapan namin na meeting place.


"Rica!" pasigaw kong tawag sa kanya..


"Ano ba'yan! Kanina pa ako dito Monday eh." pabirong sagot niya habang nalapit sa akin..


"Sorry na. Hinanap ko pa kasi yung dictionary ko eh." sagot ko..


"'Di okay lang. Ano ka ba." sagot niya..


Nag-ikot kami sa campus, kwentuhan, kulitan, daldalan at tawanan. Hanggang sa napagdesisyunan naming pumunta na sa classroom para hindi kami mahuli. Nung nasa pintuan pa lang kami, nakita namin si Johan. Nakaupo, nagbabasa ng libro at naka-earphones. Tulad ng kahapon. Umupo ako sa upuan ko, sa tabi niya at nag-ayos ng gamit.


"Hey. Goodmorning!" masiglang sabi ko..


"Goodmorning too." sagot niya..


"By the way, thanks for the lunch yesterday. I was just joking and you took it seriously." pabiro kong sagot..


"It's part of our deal, right?" sagot niya..


"Yup. I brought an english tagalog dictionary in return." sagot ko..


Inabot ko sa kanya, kinuha niya sakin pero wala siyang reaksyon, nakatingin lang siya sa akin. Tulad ng kahapon, iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya.


Makalipas ang ilang minuto, isa-isa nang dumating ang mga kaklase ko at ang professor namin. Inayos ni Sir Albie ang mga gamit niya at pumunta na ulit sa harapan.


"Okay Class. Ang lesson natin ngayon ay patungkol sa pangangailangan ng tao." sabi ni Sir..


Sa gitna ng diskusyon sa klase namin, tinanong ako ni Johan.


"What is kailangan?" tanong niya..


"Kailangan is need." mabilis kong sagot..


"Ahh. Okay. What is kita?" tanong niya ulit..


"Kita is you." sagot ko..


"Ahh." sabi niya..


"Kailangan kita in order for me to learn Tagalog." patuloy niya sabay ngiti..


Natameme ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa sinabi niya. Natapos ang klase namin sa Filipino at English ng maayos ngunit ako, hindi. Napapaisip pa rin ako kung bakit niya sinabi 'yun. Ewan.


Napag-usapan namin ni Rica na kumaen sa mumurahing karinderya malapit sa school namin. Kahit pa mukhang sosyal si Rica ay sumama ito sa akin para lang kumain. Nagkukwentuhan kaming lumabas ng campus ng biglang may kumalabit sa akin. Pagkaharap ko, nakita ko si Johan, may dalang plastik ulit.


"Hey!" sabi niya..


"Yes, why?" sagot ko sa kanya..


"Thanks for the dictionary." sabi niya habang nakatitig sakin..


Sasagot na sana ako ng "No problem" ng may inabot siya sakin.


"Here's your food in return." patuloy niya..


"What's this for?" sagot ko habang tinitingnan ang plastik, hindi ko kasi siya matingnan sa mata eh..


"Every time I'll learn a tagalog word, I'll give you that." sagot niya..


"No. I don't need it." sagot ko..


"No. Take it as a token of appreciation. Okay?" sagot niya, nakangiti siyang umalis..


Lumipas ang isang araw na dala ko ang plastik na binigay niya.


Hindi ko ginalaw kasi baka isipin niyang patay gutom ako or what.


One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon