Chapter 3: Pagpapakilala

3.9K 51 2
                                    

Chapter 3: Pagpapakilala


"Tulad ng unang araw niyo sa Highschool ay magpapakilala rin kayo isa-isa sa harapan." sabi ni Sir Albie..


Nagsimula na sila magpakilala. Hindi ako nakikinig kase inaayos ko ang cellphone kong nagkalas-kalas. Ewan ko ba, naiinis ako sa kanya. Wala akong iniintinding iba kung hindi ang cellphone ko. Hanggang sa..


"Ms. Ramirez, it's your turn." sabi ni Sir..


Nagulat ako at dali-daling sinabing,


"Y-yes, Sir."


Noong nasa harapan na ako ay nakatingin silang lahat sakin pwera sa mayabang na si Johan.


"Ako nga pala si Maria Monday Ramirez, 17 years old, galing sa probinsya ng Tarlac." taas noo kong sinabi..


"I see. May boyfriend ka ba?" pabirong tanong ni Sir..


"NBSB po ako, Sir." sagot ko..


"Okay! Let's give her a round of applause!" sabi ni Sir..


"Next. Mr. Richards!" dugtong niya..


Agad akong umupo. Sinaran niya ang kanyang libro at tinanggal ang earphones niyang suot. Pumunta siya sa harapan.


"Hi. I'm Johan Richards, 19 years old from The United States." sabi niya..


"So why did you choose to study here if you live in the US?" tanong ni Sir..


"Because I love your country." sagot ni Johan..


"Ohh, I love you too!" pabirong sabi ni Sir..


Nagtawanan lahat, napangiti si Johan sa kanyang narinig.


"By the way, can you speak Tagalog?" patuloy ni Sir..


"Nope. I don't know how but I'm willing to learn." sagot ni Johan..


"Maybe you should ask your seatmate Ms. Ramirez about it, Okay?" sagot ni Sir..


"So let's give him a round of applause!" patuloy niya..


Umupo siya, inayos ang pahina ng kanyang libro at humarap sakin.


"Hello. You're Ms. Ramirez, right? Can you teach me how to speak Tagalog?" sabi ni Johan..


Nagulat ako sa narinig ko, tuturuan ko itong mayabang na'to? Grabe naman.


"In one condition." sagot ko..


"And what is it?" sabi niya..


"You will treat me for today. Deal?" pabirong sabi ko..


"It's fine with me. Deal." mabilis niyang sagot..


Take Advantage? Hindi naman. Wala na kasing libre sa mundo ngayon, lahat may kapalit na. Mukha naman siyang mayaman kaya wala lang sa kanya 'yun. Besides, nagbibiro lang naman ako. Habang nakikipag-usap siya sakin ay nakita ko nanaman ang mga matanito, iniwas ko ulit ang tingin ko pagkatapos niyang magsalita.


"Nakapagpakilala na ang lahat. Okay. Idi-dismiss ko kayo ng maaga ngayon ha? Have a nice day, class!" sabi ni Sir Albie..


Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at sabay kaming lumabas ni Rica sa room. Inabot kami ng mahigit sa isang-oras sa paglilibot sa buong school. Ang ganda kasi, madami kang makikita na walang kapareho sa probinsya namin. Bigla kong naalala na may susunod pa kaming klase, agad-agad kaming pumunta sa susunod naming klase para hindi kami ma-late. Umupo kami ni Rica sa bandang harapan para mapansin kami agad ng prof namin. English Class na namin 'yun. Hinahanap ko si Johan. May isang nakapagsabi sakin na sa Filipino Class lang namin siya kaklase dahil irregular student siya. Pagkatapos ng klase namin, noong palabas na kami ng campus, lumapit bigla sa akin si Johan at may inabot na plastik.


"Here's your food." sabi niya sabay ngiti..


Hindi na ako nakapagsalita. May halong pagkainis at tuwa.




One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon