Foreword

12.5K 112 4
                                    

Story Title: One Hundred Days (Short Story)

Published Date: April 27, 2012

Revamped Date: November 20, 2015


Kasabay ng pagbabalik ko sa pagsusulat dito sa Wattpad ay muling pagsulat sa lahat ng mga naisulat ko na dati. Mas binihisan at mas pinaganda ang bawat chapter at mismong buong kwento. Asahan na marami akong binago mula sa mga salita, mga dagdag na kaalaman at pangyayari, pagtama sa mga typos at maging sa mga grammar.


Binuhasan ko ng oras at atensyon ang bawat pagbabago sa mga kwento. Naisipan ko itong gawin upang mas maging maganda ang karanasan sa pagbabasa ng mga naisulat ko. Gusto ko ring itama ang mga kamalian na ginawa ko at asahan ang mas "better" na ako sa mga susunod na kwento na maisusulat/isinusulat ko.


Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng mga naisulat ko. Gusto ko rin magpasalamat sa mga patuloy na nagbabahagi at sa mga patuloy na sumusuporta sa akin. Mahal ko ang pagsusulat at hanggat kaya ng mga kamay ko at isipan, magsusulat ako.


Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na panahon pero gusto kong mag-iwan ng alaala sa mundo ng literatura. Nais kong maglathala ng ako mismo ang may gawa. Nais kong ibahagi ang talentong ipinagkaloob sa akin.


Sama-sama nating abutin ang pangarap na 'to.


Salamat muli, sa'yo.


BaekEbyan|2015


One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon