Chapter 6: Ang Pagkawala

3.6K 51 22
                                    

Chapter 6: Ang Pagkawala


Nung araw na 'yon ay ginabi ako sa pag-uwi dahil gumawa kami ng research para sa assignment namin ni Rica. Gusto pa niya akong ipahatid dahil hating gabi na 'yon pero sabi ko, Huwag na lang. Medyo malayo ang bahay nila sa amin. Pasado alas-dose na ng nakasakay ako sa jeep. Tatlo na lamang kaming sakay nun, isang lalaki at isang babae. Medyo kinabahan ako. Para bang may masamang mangyayari. Nung nakababa na ako ay agad akong tumawid at pumasok sa madalim na eskinita. Noong nasa kalagitnaan na ako ng daan ay may biglang humawak sa balikat ko at sinabing.


"Holdap 'to. Bigay mo sakin ang bag mo kung ayaw mong masaktan."


Pumalag pa ako kaunti kaso ng itinutok nito ang kanyang patalim sa baywang ko, agad kong binigay ang bag ko. Habang papalayo ang holdaper ay kasamang lumalayo ang kaligayahan sa katawan ko. Kasama kasi sa bag ko ang iingatan kong cellphone. Okay lang sana kung pera lang ang laman eh, kaso kasama pati ang cellphone ko. Umuwi ako ng tulala. Walang imik, walang kibo. Nagsisisi ako kung bakit hindi na lang ako nakinig kay Rica, ang tigas kasi ng ulo ko. Nawala tuloy ang iniingatan kong bigay sakin ng mga magulang ko.


Kinabukasan ay balisa pa rin ako. Iniisip kung ano ang nangyari kagabi. Nang malapit na ako sa gate ng school namin ay nakasabay ko pala si Johan pagpasok, hindi ko namalayan. May tinatanong siya sa akin kaso hindi ko iniintindi. Malayo ang tingin ko. Hanggang sa tumayo siya sa harap ko at inulit ang tanong niya.


"I said. Are you okay?"


"Can't you see? I'M NOT!" pabalang kong sagot..


"Ohh. What nangyari?" malumanay niyang tanong..


"My bag has been snatched last night, including my cellphone." malungkot kong sagot, sabay tingin sa baba..


Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin siya sa akin ng seryoso.


"Wait for me after the class. Okay?" sabi niya, habang tumakbo papalayo..


Pumasok ako sa classroom. Wala pa ring kibo. Iniisip ko kung ano ang sasabihin sakin ng mga magulang ko. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos ang klase namin.


"Okay Class. Dismissed!"


Agad lumapit si Rica sa akin at umupo sa tabi ko.


"Hoy Monday! Ano bang nangyayari sa'yo? Tara na!" masiglang sabi niya..


Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Ilang hakbang pa lang ang layo namin sa room ay may tumapik sa akin, si Johan pala.


"Here. Take this with you." sabi niya habang hinihingal..


"What's this?" malungkot kong sagot..


"It's my other phone. Use it while you don't have a new one. Don't be malungkot na ha?" sagot niya sakin..


Nagkatinginan kami saglit at umalis na siya. Natulala ako sa nangyari. Hindi siya pumasok para lang dito? Para lang ipahiram ito sakin? Nang dahil sa ginawa niya, gumaan ang pakiramdam ko at ang pakikitungo ko sa kanya.


Kinagabihan, tiningnan ko ang laman ng cellphone niya. Nakakita ako ng video na may pangalang "To Ms. Monday", pinanuod ko ito. Naglagay ito ng ngiti sa labi ko dahil chini-cheer up niya ako sa video, nakakatuwa. Effort para lang pangitiin ako. At nakatulog ako ng may ngiti sa paligid ko.


One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon