Chapter 26

8.5K 102 54
                                    

Hello nasa mood na ulit akong magupdate. Sorry kung medyo magulo story ko at kung maiksi lang. GUSTO NIYO KAYO NA MAGSULAT? Haha. Huwag mareklamo story ko ito gagawin ko gusto ko :D

Thank you readers! Binibilisan magupdate dahil magiging busy na next week it means hindi muna ako makakaupdate :D wuuuu.

Dedicated to HansaTahaDiarol =))

COMMENT. VOTE. BECOME A FAN.

--

26.

Ni isang blank message galing kay Ranz. Wala. BV lang. Bakit ba siya ganun! So, magtetext lang siya kapag gusto niya? Kainis. Pero napaisip ako 'Ano ba kasi ako ni Ranz?' Sakit palang isipin.

Sino nga ba ako para kay Ranz?

Ano bang namamagitan sa amin?

Wala naman diba? :((

Sakit.

Papaalis palang ako ng bahay ng nakita ko yung sasakyan ni Clarence sa labas ng bahay. Nilapitan ko siya.

"Bakit ka nandito?"

"Sinusundo ka." He smiled at me.

"May sakay naman ako."

"Aww. Tinatanggihan mo nalang ako ngayon."

"Hindi ah." No choice ako kaya sumakay nalang ako.

"Okay ka lang?"

"Oo naman. Ano ka ba. Huwag kang mag-alala." I faked a smile.

"Kapag ikaw umiyak magagalit ako kay Ranz."

"Bakit siya nadamay?"

"Bakit ka ba malungkot?"

"Sinabi ko bang malungkot ako?"

"Halata namang malungkot ka eh. Deny mo pa."

"Fine. Kahit naman ipagsigawan ko sa buong mundo na malungkot ako wala paring mangyayari." Biglang may tumulo sa mata ko na luha. Bigla akong napababa sa kotse niya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang may nabangga akong babae.

"Sorry po." Tinignan ko yung babae. Napatigil ako. Actually hindi ko naman siya kilala pero nasaktan ako bigla. Parang may gumuhong lupa at natabunan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kasi yung babaeng nabangga ko kaholding hands si Ranz ngayon.

"Ok lang." Nginitian ako nung babae atsaka ako umalis. Tumakbo ako sa CR. Sobrang iyak ko. Nilock ko yung CR. Iniyak ko lahat.

Ang sakit pala. Ganun pala yun. Tanga mo Raine. Nag-assume ka kasi kaya ayan nasaktan ka. Hindi na sana ako naniwala na iba 'to sa mga fling ko dati, na ito seryoso kasi never naman na may magseseryoso sa akin dahil hanggang fling lang ako. HANGGANG DUON LANG.

(Naiiyak ako habang tinatype ito. Kung kasama lang ako sa story nabugbog ko na si Ranz. Joke :) )

"Ang tanga mo Raine! Ang tanga-tanga mo!" Pinapalo ko yung sarili ko habang umiiyak.

Then my phone ring..

RanzCHUCHU~ calling..

Pinatay ko agad yung phone ko. Bwisit.

I hate you Ranz Kyle! I hate you! Bakit ba kasi ako nagpauto sayo?

After mga ilang oras ang daming nagknockknock sa door. Bahala kayo diyan! Hindi ko sila pinapakinggan.

--

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagulat ako nasa isang bahay ako. OHMAYGAS. -.-

Napabangon ako agad. Tanga ko talaga :( Mamaya nakidnap na ako. Huhu. Pero ang ganda ng bahay infairness. Aalis na sana ako biglang blinock ni Ranz yung pinto.

RANZ?!

Panaginip lang ito. Please :(

panaginip lang ito!

Lumayo ako sa kanya.

"Gusto ko nang umuwi."

"Mag-usap muna tayo Raine. Please."

"Wala tayong pag-uusapan." Lumalapit siya sa akin pero lumalayo ako sakanya.

"Pakinggan mo naman muna ako." Hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Sobrang lakas ng grip niya dahil sinusubukan kong tanggalin.

"Ano pa bang sasabihin mo? Na walang meron sa atin? Alam na alam ko na yun Ranz! Huwag mo na ipamukha!"

"Hindi--"

"Anong hindi! Bigla ka nalang naglaho na parang bula! Ano ka multo? Na magpaparamdam lang kapag gusto mo?! Tao ako ranz! Nakakaramdam. Nasasaktan. Sana sinabi mo naman sa akin na 'Hoy Raine. Walang meron sa atin. Huwag kang umasa.' Kesa yung makikita ko yung mga yun, sampal sa akin eh. Sampal na sampal na ako Ranz. Ayoko na. Pagod na pagod na ako." Sinasabi ko yan habang umiiyak at pinupunasan mga luha ko. Binitawan niya yung pagkahawak sa kamay ko at hinayaan na akong umalis. Lumabas na ako ng bahay nila at kung saan-saan nalang pumunta. Kailangan kong magisip-isip.

Nakaupo lang ako sa isang gilid at walang humpay ang pag-iyak. May nakita akong kamay at may hawak siyang handkerchief si Clarence.

I feel guilty. Kapag may kailangan ako palagi siyang nandiyan tapos ang ginawa ko sinaktan ko lang siya.

Tinabihan niya ako at pinunasahan niya yung luha ko.

"Clarence, I hate you.."

"Aww. Why?"

"Kasi andito ka parin kahit sinasaktan kita. Errr. Huwag mo akong gayahin. Isang tanga."

"Okay lang magpakatanga." Tapos niyakap niya ako. 

I HATE HIM BUT I LOVE HIM (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon