Special Chapter

56.1K 1.6K 146
                                    

"Mimi, si Jaggy kinurot ako sa nose!"

Napatingin si Lia sa seven year old na anak na si Leon. Hawak nito ang ilong na lumapit sakanya. Pumantay naman siya rito at tinignan ang namumula nitong ilong.

"Patingin nga si Mimi." sabi niya at sinuri ang ilong nitong matangos. Hinalikan niya ang ilong nito. "Ayan, okay na. Pasensya na sa kapatid mo, cute daw kasi ilong mo kuya."

Ngumuso naman si Leon sakanya. Maya maya ay tumatakbong lumapit sakanila ang magtatatlong taong gulang na anak niyang babae na si Jaggy. "Mimi, kuya!"

"Huwag ka mag-run!" suway ni Leon sa kapatid. Humarang pa talaga ito sa daanan para matigil sa pagtakbo ang kapatid.

Yumakap sakanya ang bunsong anak. "Antok na ba ang baby Jaggy namin?"

"Mimi, milk." sabi nito sakanya na naghihikab na.

"Kuya Leon, can you get your sister's milk in the fridge?" sabi niya.

Mabilis naman na kumilos ang panganay at kinuha ang milk bottle ni Jaggy na nasa ref dahil kanina ay nagpatimpla ito ng gatas pero hindi naman ininom. Inabot iyon ni Leon kay Jaggy na buhat niya.

Nagpunta sila sa sala at doon naupo. Katabi niya si Leon na naglalaro ng lego robots nito habang kalong niya si Jaggy.

"Hey, love."

Naabutan sila na ganoon ni Jaxon na kabababa lang mula sa second floor. May mini office kasi ito sa itaas dahil laging nakawork from home ito. Kasunod nito ang business partner nitong si Atticus na kailan lang niya nalaman na sa Vanderbilt lang din pala nagtapos.

"Aalis na kayo?" tanong niya sa mga ito. Nagpaalam kasi si Jaxon na lalabas nga raw silang magkakaibigan. Kasama sina Lance.

"Mamaya pa naman." sagot nito. Tumabi ito kay Leon na busy sa paglalaro habang naupo sa single seater si Atticus.

Nagulat siya nang biglang ibigay sakanya ni Jaggy ang bote nito tapos ay tumayo mula sa kandungan niya.

"Titicus!"

Malakas na natawa sina Jaxon at Atticus sa tawag ni Jaggy sa huli.

"Jaggy, it's Tito Atticus." pagtatama niya.

"Titicus!" tawag nito na dinedma lang siya. Nagpabuhat ito kay Atticus na ikinandong naman nito.

"Pasensya ka na." hingi niya ng paumanhin sa lalaki.

"It's okay." nakangiting sagot nito.

"Titicus! Ba't may drawing sa heart mo?" tanong ng anak at ipinasok ang kamay sa loob ng polo ni Atticus. Nakabukas kasi ang dalawang butones ng polo nito kaya kita ang kaunting parte ng dibdib nito.

"Jusko, anak, it's rude to do that!" suway niya.

"But Mimi, may drawing siya sa heart!"

"It's a tattoo, baby." Si Jaxon na ang sumagot at kinuha si Jaggy sa kandungan ni Atticus.

"What's a tatchu?" inosenteng tanong ni Jaggy.

"I'll tell you after you go to sleep." sabi ni Jaxon sa anak nilang babae.

Inakyat na ni Jaxon si Jaggy at tiyak na papatulugin na iyon.

Hinarap niya si Atticus. "Pasensya na kay Jaggy. Mana sa ama iyon eh." biro niya.

Ngumiti ito. "It's okay, Jaggy is adorable."

"Lahat ba talaga kayo may tattoo?" curious na tanong niya rito.

Misteryosong ngumiti si Atticus. "I have to go. Pakisabi kay Jax na nauna na ako."

••••

YEY! Finished na 'to. Thank you sa lahat ng nagbasa at naka-appreciate. :)

Join our FB group: YGDara Wattpad Stories

YGDara ❤







ZWCS#2: Hot TicketWhere stories live. Discover now