Five

35.1K 1.2K 49
                                    

"What are you doing?"

Nagulat si Amelia nang bigla nalang lumitaw sa gilid niya si Jaxon. Nakaputing tshirt ito, shorts at sneakers. Hawak lang nito ang phone sa isang kamay habang ang isa ay nakabulsa. May nakasabit lang sa balikat nito na isang storage tube.

Jaxon leaned to his side and took a peek of what she's doing. "Community service? Bakit? Ano kaso mo sa disciplinary office?"

Tinago niya sa likod ang broom stick. Naabutan kasi siya nito na winawalis ang mga nagkalat na tuyong dahon. Dapat balak niya ay matulog buong araw dahil Sabado pero dahil vinolunteer siya ni Gift na magko-community service ng isang buwan, ito siya at naglilinis sa ilalim ng araw.

"Sorority." iyon lang ang isinagot niya.

Kumunot ang noo ni Jaxon pero halata niya na nagpipigil ito ng tawa. "Why? Tanggap ka naman na dahil sa'kin."

"Unfair pa rin daw kasi. Hayaan mo na. Ayos lang naman." sabi niya at ito naman ang tinanong. "Ano nga pala ginagawa mo dito? Sabado ah."

"Katatapos lang ng klase ko sa Urban Design."

"Bakit? Ano ba course mo?"

"Hindi mo alam?" napapantastikuhang tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya. "Uhm, kailangan ba alam ko?" maingat niya na tanong. Ayaw niya sanang maging sarkastiko ang dating ng tanong niya pero parang ganoon ata ang kinalabasan.

Natawa sakanya si Jaxon. "Architecture student ako. Fourth year na." sabi nito.

Tumango-tango siya. "So, magaling ka rin po mag-drawing?"

Ngumiti si Jaxon. "Medyo."

"Ang galing! Athlete na, architect pa. Masyado ka naman po biniyayaan ng talent at talino." nakangiti niyang pagpuri rito.

Jaxon just smiled and looked around them. "Bakit wala ka naman atang kasama na naglilinis?"

Sinundan niya ang tingin nito. "Ah. Nagsiuwian na siguro."

Tinignan ni Jaxon ang relo. "It's three pm. You should go home too." sabi nito.

Tinuro niya ang pile ng mga dahong naipon. Napasigaw pa siya ng hanginin iyon at kumalat na naman. "Hala!"

Tumakbo siya at wala na nagawa nang tuluyan na nagkalat ang mga dahon. Napasquat siya at nangalumbaba tapos ay bumuga ng hininga. "Lilinisin ko nanaman." malungkot na sambit niya.

Nilingon niya si Jaxon na tinapik ang balikat niya. Inalalayan siya nito tumayo at binigay sakanya ang broom stick. "I'll help you pero may kondisyon."

Natigilan siya sa sinabi nito. Kondisyon nanaman kasi. Mukhang natunugan ni Jaxon ang paga-alinlangan niya kaya agad nitong dinagdagan ang sinabi. "Relax. I'm just going to ask you to eat with me."

"Oh. O-Okay. Sige." sagot niya nalang.

Jaxon gave her an amused look and shook his head. "Let's clean this mess up so we can eat. Kanina pa ako nagugutom." sabi nito at nagsimula ng walisin ang mga tuyong dahon.

Mabilis silang natapos dahil mabilis din kumilos si Jaxon. Tila hindi ito nangangawit man lang sa pagwawalis at mahaba rin ang pasensya nito. Matapos nilang matapon ang garbage bag na punung-puno ng dahon ay pinasakay na siya ni Jaxon sa kotse nito. Nilagay nito ang storage tube sa backseat at nagdrive along the Metro. Dinala siya nito sa isang burger bar.

"I hope you like burgers." sabi nito nang magpark na sila sa tapat nung kainan.

Tinanggal niya ang seatbelt at sumunod na lamang kay Jaxon papasok sa loob. Nagtungo sila sa counter at tinignan ang menu na nakasabit sa may itaas.

ZWCS#2: Hot TicketWhere stories live. Discover now