Ten

39.8K 1.4K 113
                                    

Umahon sila ni Jaxon nang tawagin sila ng Lola niya. Kasama nito ang Tito Bong niya na may dala-dalang kaserola. Natanaw din niya ang iilang kaibigan ng Lola Mila niya na may kanya-kanya ring dalang mga ulam.

"Lola, ang dami naman po nito?" sabi niya nang makalapit na sila sa kubo.

"Jaxon, tara at kumuha tayo ng dahon ng saging." aya ng Tito niya kay Jaxon na kakasuot lamang ng isang sando na kinuha nito sa bag na dala niya.

Sumama si Jaxon sa Tito Bong niya at naiwan siya kasama ang Lola niya at mga kaibigan nito.

"Ang gwapo naman ng boyfriend mo, Lia." sabi sakanya ni Aling Fe.

"Ay, hindi ko po boyfriend iyon." tanggi niya.

"Sayang naman. Bagay pa naman kayo." komento naman ni Aling Lourdes.

Isang ngiti lamang ang ibinigay niya sa mga komento ng mga ito at tinulungan ang mga ito sa pag-aayos ng hapag. Nagtawag ang Lola niya ng isang binatilyo na naliligo sa ilog upang magpakuha ng mga buko tapos ay binayaran nila iyon.

Bumalik sina Jaxon at ang Tito niya na may tig-isang dahon ng saging na dala. Hinugasan nila ang mga dahon sa ilog tsaka inilatag sa mahabang lamesa ng kubo. Sumandok ang Lola niya ng kanin at inihain sa may dahon ng saging. Siya naman ay naglalagay ng mga inihaw na isda at manok sa ibabaw ng kanin habang ang ibang kaibigan ng Lola niya ay naglalagay din ng iba pa nilang ulam na dala.

Nagdasal muna sila bago kumain. Naglagay siya sa mangkok ng paborito niyang sinigang na tilapia at binigay iyon kay Jaxon.

"Tikman mo, paborito ko iyan." sabi niya rito.

"Pink iyong sabaw?" napapantastikuhang sabi ni Jaxon.

"Sa kamatis kasi." sabi niya. "Try it."

Humigop mula sa mangkok si Jaxon at natawa siya nang nalukot ng husto ang mukha nito dahil sa asim.

"Maasim?"

Lukot ang mukha na tumango ito. "Pero masarap. Ang sarap po, Lola." sabi nito sa Lola niya.

"Salamat, hijo. Paborito iyan ni Lia, pasensya na at sobrang asim. Iyon kasi ang gusto ni Lia." natatawang sagot nito.

"Lola naman eh. Ang sarap po kaya kapag maasim." sabi niya. Yumakap siya sa Lola niya at hinalikan ito sa pisngi. "Pagbalat mo ko hipon, 'La?"

Mahinang tinampal siya ng Lola niya sa braso dahil sa paglalambing niya. Pinagbalatan naman siya ng Lola niya ng mga hipon.

"Kain ka lang ng marami, Jaxon. Huwag ka mahihiya." sabi ng Lola niya sa katabi.

Nakangiting tumango ito at maganang kumain. Nakikipagbiruan pa ito sa mga kaibigan ng Lola niya na dahilan kung bakit naging masaya ang tanghalian nila.

"Mauuna na kami, Lia at mag-aayos pa kami sa plaza para sa fiesta. Mamaya pa ba kayo uuwi ni Jaxon?"

Tumango siya. "Opo, 'La. Mga hapon na kami babalik." sagot niya.

Nagpaalam na ang mga ito sakanila ni Jaxon. Jaxon had to make a call after so he excused himself. Siya naman ay naupo sa may batuhan at nilublob lang ang mga paa sa tubig.

"Hey."

Nilingon niya si Jaxon sa likod niya. Naupo ito sa tabi niya.

"Hi. Pasensya na pala kela Lola ha."

Jaxon turned to her and tilted his head. "What for? Your Lola is cool. I never experienced to have a lola, maaga kasi itong nawala."

She nodded. "Yeah she is. She's all I have right now."

ZWCS#2: Hot TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon