Eight

37.7K 1.4K 123
                                    

Pagkatapos tumao sa booth ay bumalik si Amelia sa sorority house at nagkulong lang sa kwarto niya. Nakatulog din siya habang nanonood ng tv kaya halos madilim na sa labas nang gumising na siya.

Naghilamos siya ng kanyang mukha tapos ay tinali ang buhok. Tinignan niya ang oras sa phone at nakitang six na pala ng gabi. Bumaba siya para maghanda ng kakainin para sa dinner. Doon naabutan niya si Kata na ngumunguya ng mansanas.

"Good evening." bati niya rito.

"Nandito ka pala." sabi ni Kata habang nginunguya nito ang mansanas. "Hinahanap ka nila Rosas."

"Bakit daw?" tanong niya rito.

Nagkibit-balikat lang ito at tuloy lang sa pagkain ng mansanas nito. Pumunta siya sa ref upang tignan kung ano ang pupwede niyang lutuin. "Ano'ng gusto mo na kainin for dinner?"

Pinigilan siya ni Kata habang punung-puno ang bibig nito. "Wag na. Nagluto na ako."

Nangunot ang kanyang noo at tinignan ang lamesa na wala namang pagkain na nakahain. "Nasaan ang niluto mo?"

Ngumisi si Kata at hinimas ang tiyan. "Nandito na. Wala si Mother Concepcion at nagbingo kasama ang mga kaibigan. Eh hindi ko naman alam na nandito ka pala edi sana tinirhan kita. Sa labas ka nalang kaya kumain?" ngisi sakanya ni Kata.

"What?"

"What-what ka pa diyan! Sa labas ka nalang kumain o kaya samahan mo ko dun sa event ng SG." aya nito sakanya.

Nakita nalang niya ang sarili na hatak-hatak ni Kata pabalik sa Vanderbilt hanggang sa makarating sila sa open grounds ng school kung saan may malaking stage na sinet-up para sa mga inimbitahang mga magpeperform. Hile-hilera ang mga booths sa magkabilang side, may malaking raffle roller sa may itaas ng stage na punung-puno ng mga raffle tickets.

"Kata baka uuwi nalang ako–" Nilingon niya ang kasamang si Kata pero wala na ito sa tabi niya at mukhang iniwan na siya.

Bumuga siya ng hangin at hinawakan ang tiyan nang kumalam iyon. Kinuha niya ang ticket na bigay sakanya ni Travis  at ipinakita iyon sa nagbabantay ng entrance. Tinatakan siya nito sa palapulsuhan at tsaka pinapasok na.

Dumiretso siya sa mga food stalls at namili ng kakainin. Bumili nalang siya ng baked mac at isang bote ng tubig. Buhay na buhay ang open grounds dahil sa dami ng mga estudyanteng naglilibot. Nagliliwanag din ang buong paligid sa dami ng ilaw.

Umupo siya sa mga provided na tables and chairs ng food stall na binilan niya at tahimik na kinain ang pagkain niya.

"What the fuck, Travis! Tangina mo, ayoko!"

"Sige na, Jaxon. For a cause naman 'to eh kaya nilagay ko na rin ang pangalan mo sa volunteers."

"Gago! Ayoko! Tanggalin mo pangalan ko dun!"

"Too late, cousin. Naipasa na dun sa SG President."

Tahimik na sinundan niya lang ng tingin sina Jaxon at Travis na nagtatalo habang naglalakad palapit sa may stage. Galit at iritado ang itsura ni Jaxon habang tatawa-tawa lamang si Travis. Nakita niyang inakbayan ni Travis ang pinsan pero padabog lang ito tinanggal ni Jaxon at mabilis na naglakad na siya namang hinabol din ni Travis.

Hindi na niya narinig ang iba pang mga palitan ng mga ito ng salita dahil nakalayo na ang dalawa sa kinaroroonan niya.

She sighed and finished her food.

Tell her why is she here?

To loosen up, Lia. Have some fun.

Pumalatak siya at malalim na bumuntong-hininga. One hour. Magste-stay lang siya ng one hour tapos ay aalis na siya. Sayang din naman kasi ang libreng ticket na ibinigay sakanya ni Travis.

ZWCS#2: Hot TicketWhere stories live. Discover now