Eleven

47.2K 1.4K 145
                                    

Tulala lang na nakatingin sa kawalan si Amelia na hawak lang niya ang lapis at sketchpad niya. Kasama niya ngayon si Lalaine dito sa soccer field at nakaupo sila sa ilalim ng malaking puno. Pinalabas kasi sila ng prof niya para mag-drawing ng kung anong makikita nila sa loob ng campus at dahil wala siya sa sarili ay dito siya sa soccer field hinila ni Lalaine.

"Ang gwapo-gwapo talaga ng mga soccer players! Papatusin ko talaga kahit sino sakanila eh!" komento ni Lalaine sa gilid niya at nangalumbaba pa habang pinagpapantasyahan ang mga nagpapawisang mga lalaki na tumatakbo sa field.

Malakas na bumuntong-hininga siya. "Magfocus ka sa pinapagawa ni sir. One hour lang binigay niya sa'tin. Lilipat ako, sasama ka ba?"

Lalaine waved her hand dismissively and not even sparing a glance at her. "Shoo, shoo. Dito lang ako." sabi nito at patuloy lang sa pagpapantasya sa mga soccer players.

Napailing nalang niyang iniwan ang kaibigan at naglakad-lakad sa campus. Nauwi siya sa may botanical garden at piniling ang mga estudyanteng naggigitara sa harap niya ang napili niyang i-drawing. Maganda kasi ang pwesto nung lalaking naggigitara, nasa likod nito ay mga bushes ng bulaklak ng santan. Para itong nasa isang musc video.

Inilabas niya na ang mga colored pencils niya at sinimulan iguhit ang subject niya. Parang magic ang mga kamay niya sa sobrang bilis sa pagguhit, halos thirty minutes lang ang itinigal niya at malapit na siyang matapos. Kaunting kulay nalang at shadings ang gagawin niya at ayos na. Sa bandang kanang ibaba ay nilagyan niya iyon ng pirma niya at date.

"Why don't I like the idea of you drawing some other guy?"

Gulat na nilingon niya si Jaxon na nasa likod niya. Nakadungaw ito sa sketchpad niya. Naupo ito sa tabi niya at inagaw nalang basta ang sketchpad niya. He tilted his head as if he's judging her work.

"Damn, you're really good."

"Thanks." nahihiyang sagot niya rito.

Ibinalik nito ang sketchpad sakanya. "Next time you need a subject, call me. Don't draw some random guy again."

"Ha?"

"Ha? Ha? Hang-cute mo!" mapang-asar na sabi nito at piningot ang ilong niya.

Hinimas niya ang ilong na piningot nito. Natawa lamang si Jaxon at lantarang tinitigan siya. Naasiwa naman siya dahil pinagtitinginan na rin sila ng iba pang mga estudyante.

"B-Bakit?" natatarantang tanong niya rito.

"I just want to memorize your face."

"Ha?"

Jaxon chuckled. "Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka ha ng ha, pero sa tingin ko dahil wala kang masabi?"

Lumunok siya at itinikom ang bibig. Napahigpit ang hawak niya sa sketchpad niyang nakapatong sa mga hita niya.

Napaatras ang ulo niya nang lumapit sa kanya si Jaxon. "J-Jaxon.." kinakabahang suway niya rito dahil nakaka-attract na talaga sila ng atensyon ng iba.

"Am I making you nervous, Amelia?"

Hindi siya nakasagot dahil sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi na ata normal iyon.

"Answer me, Lia. Do I make you nervouse? Hmm?"

Bakit parang nang-aakit ang boses ni Jaxon? Hindi ata makatarungan iyon?

"Lia! Nandiyan ka lang pala. Ay! Pogi!"

Mabilis niyang naitulak palayo si Jaxon sakanya at tumayo para maharap si Lalaine na ngayo'y may ngisi sa mga labi.

"T-Tara na?" tanong niya rito.

Tumaas ang kilay ni Lalaine. "Ay, sige may oras pa naman. Una na ako. Jaxon, ingatan ko kaibigan ko ha? Virgin pa iyan! Bye!"

ZWCS#2: Hot TicketWhere stories live. Discover now