One

45K 1.6K 73
                                    

"This is Shanna. She's our Standards officer." pakilala sakanya ni Brooke kay Shanna na ngayo'y nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Inayos niya ang skirt ng dress niya.

"Ito naman si Generose, she's our Sisterhood and Housing officer."

Nginitian siya ni Generose o Rosas kung tawagin at kinawayan siya. Batid niya na mas mabait ang huli kesa kay Shanna.

"Brooke! Nakita mo ba si Trinity? Kailangan ko magpapirma sakanya."

May isa pang babae na lumapit sakanila. Busy ito sa pagtingin sa mga papel na hawak kaya hindi siya agad nito nakita kaya naman nagkabungguan sila nito, mabuti nalang at nahawakan niya sa mga balikat ang babae.

"Oops! Sorry. Sino ka?" diretsahang tanong ng babae habang nakaturo pa talaga sakanya ang hintuturo nito.

"Hi. I'm Amelia Grace Solomon. Pero pwede mo po ako tawaging Lia." pakilala niya sakanyang sarili.

"Huwag mo ko i-po, hindi naman ako matanda. Bago?" baling nito kela Rosas.

Tumango si Brooke. "Oo. New member."

Tumango-tango ang babae at naglahad sakanya ng kamay. Intimidating ang itsura nito, para bang mataray na hindi naman. Diretsahan ito kung magsalita na walang pake kung makasakit man ito ng damdamin o hindi.

"I'm Cassidy Anne Mendez. Call me, Cass kung close na tayo but since hindi pa, Cassidy nalang muna. Secretary ako ng ZWC."

Nag-aalinlangan niyang tinanggap ang kamay nito. Mabilis lamang iyon dahil hinatak din ni Cassidy pabalik ang kamay at tsaka sila Brooke na ang binalingan.

"So, si Trinity?" tanong nitong muli.

"She's with Violet. I don't know where they went. Tignan mo kasi sa HQ." pabalang na sabi ni Shanna.

"Chineck ko na po doon, ma'am." sarkastikong sagot ni Cassidy tsaka inirapan si Shanna. "Makaalis na nga. Ang arte mo talaga Shanna, nakakagigil."

Tumawa sina Rosas at Brooke. Siya naman ay nangingiti pero pinigilan niya dahil baka siya pa ang pag-initin ng isa sa dalawa. Cassidy left. Then, all eyes were on her again.

"You look like Mama Mary with your dress. What era did you get that.. dress?" sabi sakanya ni Shanna na tila ba nandidiri ito sa suot niya.

Tinignan niya ang damit niya. Simpleng puti na dress lang naman ang suot niya na may lace sa manggas. Turtle neck iyon na parang kamiseta ang style.

"B-Bigay lang sa'kin ng pinsan ko."

"Well, you're cousin must've hate you for giving you that kind of dress."

Napayuko siya at hindi nakasagot. Buti nalang at sumingit sa usapan si Rosas. "Anyway, ito iyong susi ng unit mo. Kumpleto na rin lahat ng mga kakailanganin mo sa loob, if ever you need something else, just call me."

Humalukipkip sa harap niya si Shanna. "First rule, we don't allow boys inside the Sorority House. May boyfriend ka?"

Mabilis siyang umiling.

"Figures." she muttered. "Second, no violence inside the Sorority House. Third, get rid of this hideous dress. Bukas na bukas sasalansanin natin 'yang luggage mo. My God! You look like a probinsyana girl!"

Hinawakan ni Brooke si Shanna sa braso para pigilan na ito sa pagsasalita. Rosas gave her a smile. "Okay ka na rito?"

Tumango siya. "Oo, okay na ako. Salamat." sabi niya sa mga ito tapos ay nagpaalam na at saka siya iniwan upang mag-settle sa loob.

ZWCS#2: Hot TicketWhere stories live. Discover now