[10] Ang Sakit Sa Tenga

1.1M 24.9K 3.6K
                                    

CHAPTER 10: ANG SAKIT SA TENGA! 0.o

NATHAN’S POV

  

“Aba, nakakagulat ka naman Nathan. Bakit ang aga mo atang nagising?” Tanong sa akin ni Ate Lie.

8am kasi ako nagising ngayong umaga. Nakakagulat ba talaga yung ginawa ko? Si Ate Lie talaga, isang dakilang alaskadora. Daig pa ako nyan.

“Ate naman,masama ba? At saka isipin mo nalang na pahinga muna ako ngayong bakasyon sa paggising ng maaga kasi diba nung may pasok pa eh, alas singko ako nagigising?”

“May nalalaman ka pang ganun. If I know, madaling araw ka na kasi umuuwi.”

“Alam mo naman pala Ate ehh.”

Kung ano-ano pang sermon ang natanggap ko kay Ate. Tch. Makaalis na kaya? Ayoko munang mag-almusal. Busog na ako sa sermon ni Ate Lie. -__-

“Alis na muna ako.”

“Saan ka pupunta?”

“Edi pupuntahan si Danica. Araw-araw naman ganun ang ginagawa ko at syempre magsstroll.”

Palabas n asana ako ng kitchen nang makasalubong ko si Jenny.

“Hey, Ate Nathalie. Hi, kuya Nathan!” Energetic na bati niya. Ano kaya ang gagawin ng pinsan ko na ito dito? Makikikain na naman siguro.

“Ang aga-aga ng pasyal natin ngayon ah,” komento ko.

“Pasyal ka dyan. Ano ito, park o kaya mall?” sabi pa ni Jenny. Nahawa na rin siya kay Sheen sa kapilosopohan. Ang babae talagang ito oh!

“Ewan ko sayo. Sige maiwan ko muna kayo dyan ha? May bibilhin lang ako sa bayan. Jenny, kain ka dyan oh. Si Ate Lie yung nagluto, masarap yan promise. Bye!”

Lie short for Nathalie. HAHAHAHA XD matatakasan ko si Ate Lie.

Palabas na ako ng kitchen nang may naramdaman akong may bumato sa akin.

“ARAY!!!!!” >__<!! Takte naman oh!

Pagkalingon ko si Ate Lie pala. Binato ako ng tsinelas niya. Syempre, pinagkunutan ko siya ng noo.

“Aangal ka?!?!?!” Ate Lie.

“Ate naman! Aalis na ako!”

“Kumain ka muna! Gala ng gala eh!”

“Mamaya na.” =___=

Inikot niya lang ang mga mata niya tapos nilagpasan na ako ng lakad. “Sige Nathan. Aalis pala kami ni Darryl. Mauna na ako. Gumala ka kung gusto mo.”

Lumabas na si Ate Lie ng kitchen. Buti pa siya masaya sa lovelife niya. Eh ako?! Nasasakal na ako. Walong buwan na kami ni Danica na nagsasakalan. Break-up? Ilang beses ko na siyang tangkaing ibreak kaso pinagbabantaan niya ako na magpapakamatay daw siya. Hindi ko naman siya gusto eh. Sinabi lang kasi ni Ate Lie na may gusto daw sa akin yung lil sister ni Darryl na boyfriend niya. Sinabi niya na ligawan ko daw si Danica alang-alang lang daw sa relasyon nila at nung pagiging magtropa namin. Medyo spoiled brat kasi si Danica. Sinabi niya pa na pag hindi daw magiging kami ay dun na daw siya titira sa Daddy niya sa America. Well, kung mangyayari iyon, sure na isasama si Darryl. At magiging panget na yung lovestory nila ni ate. Tsk tsk tsk. So no choice kundi ay ligawan siya effortlessly.

Magpapaalam n asana ako kay Jenny nang mapansin kong ubos na yung pagkain sa lamesa. WOah, ang lakas talaga niyang kumain! 

“Hoy, Jenny! Ayos ka lang? Kumain ka ba ng hapunan sa inyo?”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon