Chapter 46 - The Heiress

2.4M 65.8K 65.4K
                                    

Chapter 46 : (MHIAMB : The Heiress)

 

Aemie's PoV

 

Kanina ko pa talaga gustong-gusto na tanungin ang pangalan nung mga kasama ko dito loob ng kotse. OA ang pagka-tinted ng mga bintana. Parang military car. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang view sa labas.

Hayyy. Sumandal na lang ako at ipinikit ang mga mata. Alangan namang sumayaw ako dito eh hindi ko naman ka-kilala yung mga kasama ko.

"Hindi ka ba natatakot samen?" iminulat ko ang mga mata ko nung nakarinig ako ng boses ng lalake na nagtanong.

Omygod!

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. "M-multo ba kayo?" isinampa ko pa ang dalwang paa ko sa sasakyan sa katakutan sa kanila.

"Sira ulo ka bang babae ka?" naglabas yung lalakeng nasa kanan ko ng baril.

Eh? May baril sya. Edi hindi sya multo? Pero wait--"Grabe ka naman po. Ako pa yung sira ulo? E kayo nga dyan, tirik na tirik ang araw tas balot na balot ang katawan--AHHH"

 

Napapikit ako at natigilan sa pagsasalita nung biglang hinablot ng lalake ang panga ko at hawakan ng madiin. "Gusto mong dito pa lang pasabugin ko na yang bungo mo?" Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatutok sa may gilid ng mukha ko ang baril na hawak nya.

Patulak nyang binitawan ang panga ko na agad ko naman hinawakan. Huhuhu ang sama nya. Hindi ko naman sya inaano eh. Tumahimik na lang ako at tumungo.

Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan. Isa-isang naglabasan yung mga black power rangers sa loob ng sasakyan.

"Baba!" bulyaw sa akin nung lalake. Makautos naman to si kuya. Kala naman nya saken bingi? Hindi naman nya kailangan pang ihiyaw. Hayy.

Pagbaba ko ng sasakyan ay hinablot agad nung lalake ang braso ko. "Aray naman po!" reklamo ko pero parang hindi naman nila ko nadidinig.

Nung inilibot ko ang mata ko, nasa isang parking lot kami. Pero hindi ko alam kung parking lot ng ano.

Hawak-hawak nung isang lalake ang kanang braso ko habang pakaladkad nya akong gina-guide. Yung isa nasa kaliwa ko. Yung dalawa naman nasa likod namin. Pare-parehas pa silang may mga dalang baril.

Nung makarating sa isang kwarto ay itinulak ako nung lalakeng nakahawak sa braso ko. Napasalampak tuloy ako sa sahig. Huhuhu. Sumbong kita kay mommy eh.

Nag-alis ng takip sa mukha yung mga lalake, kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sila titigan.

"Waaa!!" hiyaw ko nung biglang magpaputok ng baril yung isang lalake malapit sa'ken. "Bakit ganyan ka makatingin?" galit na tanong nya.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon