THE VERSACE ON THE FLOOR ENDING

34K 466 43
                                    

HER DREAM finally come true. Ang maging isang Mrs. Gutierrez. When she was in highschool, kahit noong college siya, lagi niyang isinusulat sa notes niya ang pangalang Rica E. Gutierrez. She's dreaming to be Wayne's wife. Pero hindi nangyari yun dahil iba ang ginawa ng kapalaran sa buhay niya, mas maganda pa sa pinangarap niya. Ang magkaroon ng mapagmahal na asawa, bonus nalang ang pagiging Gutierrez din nito. Hindi man niya inaasahan na si Zane ang tutupad sa pangarap niya at kukumpleto sa kanya pero walang pagsidlan ang galak sa puso ni Rica. Siksik, liglig at umaapaw ang kaligayahan na tinatamasa niya.

Zane is the most beautiful thing God has made for her. To be with her in pain and in joy. Ang dumaang pagsubok sa relasyon nila ay naging instrumento para mapatunayan nila na totoong mahal at lalong nilang minahal ang isa't isa. He made her a woman, at binuo siya ng asawa, because of him, she experienced to be a mother. And having Zac Gabriel, her son, it is the best thing she could thank for the rest of her life. Every morning she opened her eyes, she thank God for another life and memories na pagsasaluhan nilang mag-anak, kaya naman mula ng maikasal ay nakahiligan na nilang mag-asawa ang bumyahe at magbakasyon, saang lupalop man ng mundo. They love to make memories. Sabi nga nila, you only live once kaya make sure na memorable ang bawat araw na iginugol mo sa mga taong mahal mo. Ganoon ang ginagawa nila ni Zane sa isa't isa.

And Zane is her favorite human. Because Zane now is her bestfriend, her buddy, her partner, lover, and loving husband. At sobra pa sa pagiging kontento ang buhay na meron siya sa tabi ng asawa.

Mabilis man na dumaan ang mga araw, pero tanda parin niya ang minsang pag-iwan kay Zane at pagtatago rito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabilis man na dumaan ang mga araw, pero tanda parin niya ang minsang pag-iwan kay Zane at pagtatago rito. Pero nahanap parin siya ng lalaki, kahit saan siya magpunta ay lagi siyang nahahanap nito. A week after Zane found her, ay naganap ang Engagement Party nila at dalawang linggong preparasyon, naganap din ang double wedding nila ni Altheah at ng kambal na lalaking minamahal nila.

And the day she gave birth to her son. Preskong-presko sa mga ala-ala niya ang araw na ipinanganak niya ito. The moment she heard her son crying with a sweet small voice makes her heart cry out for joy. Ang unang kapit ng maliliit na daliri nito sa kamay niya, ang unang haplos niya sa maliit nitong paa, she just can't imagine how God made those little hands and feet perfectly inside her womb. At ang mukha nito na kuhang-kuha sa Ama nito. Sabi pa nga nila ay inlove na inlove daw siya sa asawa dahil parang pinagbiyak na bunga at parang kakambal na din nito ang anak nila. Triplets na sila ng Tito Wayne nito. Siguro nga totoo ang sabi-sabing 'yon dahil oo, inlove na inlove nga siya sa asawa. She would definitely die kung mawawala ang asawa sa kanya. And everything she have now is heaven. May problema mang dumating at sumubok sa kanila, sisikapin niya na mananatiling matatag, may asawa siyang makakapitan at anak na pagkukuhanan ng lakas.

NAPAPANGITI si Rica habang pinagmamasdan ang paglalaro ng mag-ama niya sa tabi ng dagat. Nasa Colorado beaches sila ngayon at doon nila ginugol ang summer para magbakasyon.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDWhere stories live. Discover now