Prologue

39.6K 562 17
                                    

Rica Evans, isang simpleng babae na lihim na nagmamahal sa bestfriend niyang si Wayne Gutierrez.
Mula pa noong highschool sila ay may pagtingin na siya sa lalaki. Lage siyang nasa tabi ng binata sa lahat ng oras. Sa Junior and Senior's Night ay si Wayne ang kadate niya. Pati sa kanyang debut ay si Wayne din ang last dance niya.

Twenty four na si Rica ngayon pero NBSB parin siya. Marami namang nanliligaw sa kanya pero wala siyang planong ientertain ang mga ito dahil nakafocus lang sa iisang lalaki ang puso niya. At ang lalaking yun ay si Wayne. Kaya naman ng malaman niyang may nagugustohan itong babae ay nakadama siya ng takot, takot na baka hindi na nito mapansin ang pag-ibig niya para dito.

Napilitan siyang sumugal para makuha ang puso ng binata, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang puri.

"It's now or never!"

Sinunod niya ang payo ng mga baliw niyang kaibigan na imbetahin ang binata na mag-inuman pero ang totoong plano ay lasingin ito at sadyangin may mangyari sa kanila. Oo, nakakatawa at shonga lang ang susunod sa planong iyon pero ginawa iyon ni Rica. Nilunok nya lahat, i mean ang pride niya, nilunok niya pati ang hiya niya para lang mapasakanya ang lalaking pangarap niya mula pa noon.

At dyaran!!! Nagawa nga niya.
Hindi paman sila tuluyang nalasing ay natagpuan na niya ang sariling inaangkin ng binatang noon pa niya pinapangarap. Buong gabing nagdiwang ang puso niya, napakasarap sa pakiramdam niya na nasa ganoong sitwasyon sila ni Wayne.

Bawat galaw ng binata, bawat pangyayari ay detalyadong tumatak sa isip at puso ni Rica. Lihim na nagdiriwang ang puso niya. Ganito pala ang pakiramdam na mararamdaman niya kung sila nga ni Wayne habang buhay. Kung si Wayne ang mapapangasawa niya at ito lamang ang magpapalasap sa kanya ng kakaibang ligaya. Buong buhay siguro siyang magdiriwang.

Pagkatapos ng nangyari, walang nadamang pagsisisi si Rica, bagkus ay  napakasaya niya ng gabing iyon bago tuluyang makatulog habang yakap ng mga bisig ng binata.

Pero iba ang sumalubong sa kanyang paggising.

Hindi pala si Wayne ang taong nakaniig niya, kundi ang identical twin nito. Ang antipatiko, playboy, fuckboy, suplado, feeling super gwapo, feeling perfect at hate na hate niya.

Si Zane, ang kambal ng bestfriend niyang si Wayne.

Paano na ngayon? Anong mukha pa ang ihaharap niya kay Wayne. Paano niya sasabihin kay Wayne na dapat ito ang kasama niya ng gabing iyon, na dapat ito ang aalayan niya ng kanyang pagkababae. At anong alas pa ang itataya niya para makuha ang puso ni Wayne kung ang mismong puri niya ay naisuko na niya sa tinamaan ng bulalakaw na kambal nito.

"Anong gagawin ko?" Nalolokang sigaw ng utak ni Rica.

Kung ikaw si Rica, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong nagbunga ang isang gabing nangyari sa inyo? Hahabulin mo ba sya o aakuin mo nalang ang lahat?

Abangan...

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDWhere stories live. Discover now