WALO

27.5K 429 9
                                    

Rica's POV

"As in Madz? So, anong plano nyo ngayon?" Tanong ni Monneth sa akin, hindi ko alam kung nalulungkot ba sya o kinikilig dahil kakaiba ang kislap sa mga mata niya pero seryoso naman ang mukha niya. Sinabi ko sa kanya ang lahat, lahat lahat.

Nagbuga ako ng malalim na buntong hininga.
"Hindi ko nga alam Madz eh, basta ang sabi nina Grace at Paris ay sabayan ko nalang ang tadhana, at yun nalang din ang gagawin ko. Hindi din naman mahirap pakisamahan si Zane, sweet at gentleman din naman sya sa akin. Pero alam ko na kung magiging kame ay malaki ang kasalanan ko sa kanya. Hindi ko masabi-sabi sa kanya na noong may nangyari sa amin ay inakala kong siya si Wayne. Hay!! Mababaliw na talaga ako. Nakukunsensya ako kay Zane." Miserableng saad ko.

"Pero ano ba talaga ang nilalaman ng puso mo Madz? Baka mas lalo mong masaktan si Zane kung sasagotin mo sya pero si Wayne parin ang nasa loob nyan." Aniya.

Muli akong napabuntong hininga.
"Ang hirap Madz dahil hindi ko na din alam. Oo minahal ko ng mahabang panahon si Wayne at alam na alam mong ayaw na ayaw ko kay Zane, pero iba na ngayon eh, nagugulohan na ako. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Zane na palitan ang nararamdaman ko para sa kakambal niya."

Muling kumislap ang mga mata ni Monneth.
"OMG Madz!! May chance na nga si Zane. Kasi kung wala lang sya, dapat hindi ka mako confuse. Why don't you give him a chance Madz, para mapatunayan nya sayo kung ano ang gusto nyang patunayan." Tuwang-tuwa na saad niya. Oo napag-isipan ko din ang mga sinabi niya, pero may bahagi parin sa puso ko na takot.

"Paano kung hindi parin pala sya nagbabago? Paano kung ang Zane ngayon ay ang Zane parin na matagal ko ng kilala bilang babaero, fuckboy, warfreak at halos lahat na ng nega sa buong mundo ay inangkin? At paano kung saktan nya lang ako?" Ang totoo ay yun talaga ang dahilan kaya ako nahihirapang papasukin sa puso ko si Zane. Hinawakan ni Monneth ng mahigpit ang kamay ko. She look into my eyes, alam kong naiintindihan nya ang kalagayan ko.

"Kung masaktan ka ng dahil sa kanya Madz, back off na." Aniya.

NAPAKURAP ako ng mamalayan kong ubos na pala ang kape ng higupin ko ang hawak hawak kong mug. Ikalimang tasa ko na 'to. Inilapag ko ang mug at akmang tatayo ng.

"Magtitimpla ka uli?" Saad ng bruskong tinig sa may pinto. Parang nag-echo ang tinig niya sa buong living room ng apartment ko.

"Ay kabayo!!" tili ko dahil sa sobrang gulat. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makilala ko kung sino. Si Zane!

Gumuhit ang matamis na ngiti sa gwapo niyang mukha. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kinatatayuan ko, ewan ko kung slow mo ba sa kamalayan ko o sadyang dahan-dahan ang paglapit niya.

"Nakakamiss ka pala babe, napasugod tuloy ako ng wala sa oras." Nakakahipnotismong saad niya. OMG! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ngayon hindi lang ang ngiti at presensya ni Zane ang humihibang sa akin, pati boses nya, inaalipin ako!

Umayos ka Rica! Sigaw ng matinong bahagi ng utak ko. Pinilit kong tumayo ng tuwid at tumikhim para makapagsalita ng maayos at matino. Ilang beses akong lumunok.

"Babe?" Nag-aalalang lumapit siya sa akin. Pinaglandas niya ang mga daliri niya mula sa noo ko papunta sa pisngi hanggang sa leeg. Inaipikit ko ang aking mga mata dahil sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon.
"Pawis na pawis ka." Aniya at dinama ang noo ko to check my temper.
"Wala ka namang lagnat. Teka naka-on ba yung air con mo?" Palingon-lingon siya habang hinahanap ang air condition.

"O-okay lang a-ako Zane, wala akong sakit. Ba't ka nga pala andito?" i decided to asked para mahimasmasan ako. Grabe, intense!!

"Ah, i just want to invite you for dinner. Since sa bahay ako uuwi ngayon, i want you to have a dinner with me and my family." Pormal na saad niya.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon