UNA

39.4K 556 13
                                    

Rica's POV

"AHV kanina ka pa hinahanap ng forever mo!!" Sigaw sa akin ni Grace ang pinsan na bestfriend ko. Ahv ang tawagan namin dahil nung nasa highschool kame ay idol na idol naming dalawa si Avril Lavigne. Linggo ngayon kaya walang trabaho. Nasa labas lang ako ng apartment, nagbababad sa facebook gamit ang cellphone ko.

Tumabi sa kinauupuan ko si Grace. Hingal na hingal siya.

"San ka ba galing?" Tanong ko sa kanya.

"May tubig ba kayo? Uhaw na uhaw ako grabe ang init ng pilipinas bes!" Sabi niya. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa loob, sumunod naman si Grace sa akin.

"Hinahanap ka ni Wayne sakin uy! May gagawin daw kayong photoshoot next week." Sabi niya habang nakasunod sakin papasok ng bahay.

"Oo nag-usap na kame. Nagustohan daw ng client yung pictures naming dalawa kasi parang totoong mahal na mahal ko daw sya sa pictures."

"Eh totoo naman talaga." Sagot niya sabay roll her eyes. Natigilan ako sa pagkuha ng tubig. Napabuntong hininga nalang ako't humarap sa pinsan ko.

"Hay! Ang hirap magpretend na kaibigan lang ang turing ko sa kanya Ahv." Matamlay kong sabi. Napabuntong-hininga din si Grace.

"Ang manhid-manhid naman kasi ng Wayne na yan. Sa loob ng 14 years na magkasama kayo lage eh hindi nya talaga alam na may feelings ka for him. Grabe sya!! 10 years old ka palang hanggang ngayon ahv 24 kana, My God bes, mula puppy love until now? Sya parin? Ho! Di ko kaya yan ha." Litanya ni Grace. Muli akong napabuntong hininga. Sumandal ako sa refrigerator at napatulala nalang saka ako nagsalita.

"Ewan ko ba. Baka hanggang magkaibigan nalang talaga kame ni Wayne, Ahv."

"Bakit? Kaya mo bang makita na may kasama syang ibang girl. At hindi lang basta girl, girl na may friend, as in jowa. Ano kaya mo?"

Malungkot akong umiling. Ang hirap talaga. 14 years na akong may nararamdaman para sa bestfriend ko. Wayne was my classmate since grade 6, gumaan agad ang loob ko sa kanya. He's a perfect gentleman for me. Para syang isang prinsepe sa akin, yung tipong pinapangarap ng lahat ng babae. Narealize ko na gusto ko sya noong 1st year high school kame. Kaso hindi ko kayang sabihin dahil natatakot akong baka lumayo sya sa akin at masayang lang ang pagkakaibigan namin. Kaya ito, until now, 24 na ako eh nganga parin.

"Anong meron mga lokaret?" Agaw ng lalaking nasa pinto. Agad kaming napalingon ni Grace. At natauhan na hindi pala lalaki. Baklita pala.
Si France, o mas kilala sa pangalang Paris, kasi ang Paris daw eh makikita sa France kaya hindi na sya lalayo pa sa pangalan niya. Ang taray diba?

"Hon! Bat ngayon ka lang? Alam mo bang naglakad lang ako papunta dito at ang init ha?" Reklamo ni Grace habang naglalakad palapit sa bakla.

"It's a tie te dahil naglakad lang din ako." maarting sagot ni Paris, bigla naman siyang niyakap ni Grace at hinalikan sa pisngi.
"Eeewwww!! Kadiri ka! Wag mo nga akong halikan. Loko tong babaitang to." Tili ng bakla habang nagpapahid ng alcohol sa kamay na para bang isang bacteria ang pinsan ko. Inirapan lang siya ni Grace.

"Sus pakipot pa to, ganda ko kaya. Kaya maswerte ka't ikaw ang papakasalan ko." Sabi nito sabay duro kay Paris.

"In your dreams." Sagot ni Paris sabay irap. Agad akong tumayo para umawat sa dalawa.

"Tama na nga kayo. Nagpunta lang ba kayo dito para magbangayan? Naririndi na ako sa ingay nyo ha?" Sabi ko at pumagitna sa kanilang dalawa.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon