LABIN-PITO

18.9K 424 19
                                    

Happy 4k mga kaMBB..

Salamat talaga sa oras na ginugol nyo pra sa story na to.. Hindi ko alam kung hanggang anong chapter to pero tingin ko malapit ng matapos to dahil may sisimulan pa akong Slut Goddess at series ng Fear of Love..

Maraming maraming salamat sa inyo..😘😘

Nag.e.emo ako hahaha

Anyway, sana magustuhan nyo ang chapter na to. Itatayo ni Zane ang bandera ng tunay na lalaki.💪💪

😍


^_^~~~~~~~®©™©®~~~~~~~^_^

Rica's POV

Hindi ako sigurado kung tama bang sabihin ko na sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero sa huli, may karapatan siyang malaman ang lahat. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Bago palang kami at masyadong maaga na magbuntis ako, pero pariho naming ginusto ang lahat at hindi ko kayang ipalaglag ang sarili kong anak. Kinakabahan ako baka itulad nya ako kay Amara at itatanggi din nyang sya ang Ama ng ipinagbubuntis ko. Kinakabahan din ako baka sabihin niyang hindi pa sya handa kaya kailangan naming ipalaglag ang bata. Hindi ko kayang itakwil ang sarili kong dugo't laman kaya kung hindi nya aakuin ang bata ay bubuhayin ko ito ng mag-isa. Kung ano man ang magiging reaksyon niya, bahala na..

"Buntis ako Zane." Mahinang sambit ko pero alam kong klaro yun sa pandinig niya.

Kitang kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata sa gulat.
"B-Buntis ka?" Mahinang sambit niya. I nodded. Litong-lito ako sa kasalukuyang nararamdaman. Samo't saring emosyon ang naghahalo-halo sa dibdib ko.

Pero gulat ako dahan-dahang rumihistro ang tuwa sa mukha niya. He cupped my face at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

"Talaga??" Halos mapunit sa tuwa ang labi niya sa laki ng pagkakangiti.

Oh God! He's happy! Sambit ng puso ko. Napangiti din ako dahil sa saya ng makita ang reaksyon niya.
"Oo.." muling nagsisimulang uminit ang mga gilid ng mga mata ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at bigla siyang tumayo habang buhat-buhat ako. Napatili ako sa gulat habang  paikot-ikot kami sa kwarto. Malulutong na tawa mula sa aming dalawa ang pumupuno sa buong kwarto.

"Yes!! Yes!! Magiging Daddy na ako!!" Sigaw niya. Parang hinaplos ang puso ko. Daig pa niya ang nanalo ng jackpot sa lotto. Is this real? Masaya siya dahil pinagbubuntis ko ang panganay namin. Pero paano yung babae? Paano si Amara?

Natigilan siya ng mapansin ang pagkakatulala ko't ibinaba ako.
"What's wrong? Hindi ka ba masaya? Magiging Mommy ka na!" He asked habang hinahaplos ang pisngi ko.

I smiled.
"Ofcourse! Masaya ako, masayang masaya."

Kinantilan niya ng halik ang mga labi ko. Gusto ko pa sanang pag-usapan ang tungol kay Amara pero ayokong ipagdamot sa kanya ang sayang tinatamasa ngayon.

"Ipapaalam natin 'to kina Mom and Dad." He stated. Bigla akong kinabahan. Oo nga pala, anong sasabihin ko sa parents niya? Yun din ang problema ko sa parents ko, anong sasabihin nila sa akin? Nagkaboyfriend lang, kumiringking na't naging agresibo't agad-agad nagpabuntis ng hindi pa ikinakasal. Masyadong makaluma pa naman ang prinsipyo ni Mama.

"Okay lang ba na sabihin agad natin sa parents mo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Ofcourse, kailangan nilang malaman na magkaka-apo na sila." May tuwa sa tinig na saad niya. Masaya akong makita ang mga reaksyon niya, hindi ko inasahan na magiging ganito siya kasaya ngayong magkakaanak na kami. Dinaig pa niya ang sayang nararamdaman ko. Ang OA pero ang cute niyang tignan. Pero nagdadalawang isip parin ako, lalo pa ngayong may Amara na gustong umepal.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon