DALAWAMPO

18.1K 369 9
                                    

Zane's POV

"Mom! Dad!" Sigaw ko habang papasok sa Mansion. Tinungga ko ang bote ng brandy na hawak ko.

"Sir! Ano hong problema?" Salubong ng kasambahay sa akin.

"Nasan sina Mom and Dad? I want to talk to them!!" Galit na sagot ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya but I have no time to explain everything. I need to talk ko my parents now.

"Mom!! Dad!! Harapin nyo ako!!" Dumagundong sa buong sala ang boses ko. Mapait akong ngumiti ng makita ko ang mga magulang ko na pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng Mansyon.

"Zane!! What the hell is this?" Galit na sagot ni Dad. Naniningkit ang matang nakatitig sa akin. Saglit kong tinapunan ng tingin si Mom, halata ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya.

"You see how miserable I am now, Dad, Mom? Huh!" Palatak ko at mapait na ngumiti.
"Thank you! And congratulations! You two wins!" I clenched my jaw while looking at them with anger. It's so hard for me to accept everything, ang dalawang pinaka importanteng mga tao sa buhay ko, ang mga magulang ko, sila pa ang dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon. Sila pa ang dahilan kung bakit ako iniwan ng babaeng buong buhay kong minahal at pinangarap. Since the day na nakilala ko siya, I was 11 years old when I found my first and true love. And the moment she gave her heart and all she had to me, that was a dream come true. Fairy-tale for a guy is a stupid thing but i learn to believe it when she became mine. I did everything just to own her heart, hindi ko lang basta-basta na angkin ang puso niya, naghirap ako para magkaroon ng puwang sa puso niya. And when she say she's carrying my child, it's a fulfillment and assurance for me na magiging akin siya habambuhay, akin lang.

Pero ngayon, naglahong lahat yun. Lahat-lahat.

"Zane, hindi kita pinalaki na walang respeto sa amin ng Mommy mo!!" Bulyaw ni Dad. Hinawakan ni Mom si Dad sa braso. Namumuo ang mga luha ni Mom na nakatitig sa akin.

"Yes Dad! Pinalaki nyo ako ng maayos, actually, everybody says that I am closer to perfection. Form inside and out!" I said.
"How I love to be perfect, but, is this the meaning of perfection? Having a miserable, full of pain and sorrows? Well, it is, dahil ito ang buhay ko Dad, Mom. Alam nyo ba?" Napalunok ako dahil ramdam ko ang pananakit ng lalamunan dahil sa pagpipigil maiyak. Marahas akong napabuga ng hangin.

"Zane, Anak, don't get us wrong. We are doing this for your own good." Madamdaming saad ni Mom.

I grind.
"Yeah, I knew it Mom! But do you think I'm good with this damn fvcking pain killing me right now? Do you think I'll be happy marrying the woman I didn't love?!" Hindi ko na napigilan ang mga butil ng luha na kanina pa gustong kumalas. Kusa itong nahulog at bumasa sa pingi ko.
"For God's sake Mom, try to be in my part. I know lalong lalago ang negosyo natin sa tulong ng mga magulang ni Amara, just like Altheah and Wayne. Pero iba ang sitwasyon namin ni Wayne, hindi ko mahal si Amara. At ayoko ng fixed marriage!!" Lumapit siya sa akin.

"She is pregnant Zane!" Paalala niya.

Muling nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hindi ako ang Ama ng dinadala niya, ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyo?" Bulyaw ko kay Mom. Nagi-guilty ako dahil sa kawalan ng respeto at pagtataas ng boses sa kanya. But i needed to.

Hinawakan niya ang braso ko.
"Hindi ka pa sigurado Anak!"

"Lalaki ako Mom, sigurado ako!" I said with assurance. Yes, sigurado ako na hindi sa akin yun.

Napabuga ng buntong hininga si Mom. Lumapit si Dad at hinawakan ang balikat ko.
"Okay, kung yan ang desisyon mo. And if you think what we asked from you is too much. Go and marry that woman you love."

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon