Liham mula sa Manunulat

204 0 0
                                    


Ako ay titigil na muna sa pagsusulat. Sa loob ng ilang taong pagsusulat ay naisipan kong i-submit sa publishers ang mga kwento ko. Kaya lang imbes na tulungan ka nila, hihilain ka pa pababa. Hanggang sa hindi man nila sinasadya,  sisirain nila ang pangarap mo. Marami akong natutunan tungkol sa pagsusulat. Halos isang taon na ata akong nahihirapan magsulat simula nang hindi matuloy ang pag-publish ng isa kong kwento.

Nawala ang apoy ko sa pagsusulat. Nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng rason sa pagsusulat. Hanggang sa hindi ko na kayang magsulat, ni mag-isip nahihirapan na rin ako. Kaya ngayong araw na ito Mayo 24, 2017, ako ay titigil na pangsamantala sa pagsulat ng kwento at pagpost nito sa Wattpad.

Nakalimutan ko na kung bakit nga ba ako nagsusulat? Pinatay yun ng mga taong nagsasabing tutulungan ka nila sa pangarap mo, ngunit hindi pala. Pakshit silang lahat.

Nagpapasalamat ako sa mga taong nagbasa at nagbabasa pa rin ng mga isinulat ko. Humihingi na rin ako ng pasensya.

Hanggang sa muli.


Maya

The Diary of a Broken Mind [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon