Dapat niyong Malaman: Sa mga Gustong Ma-Publish

137 1 0
                                    

Una sa lahat kailangan niyong malaman na ang pag-publish ng libro ay isang negosyo. Isisi natin yan dahil sa mahirap na ekonomiya ng ating bansa. Ang mga publishing houses ay isa ring business na kailangan kumita. Ito ang dahilan kung bakit karaniwan sa kanilang kinukuhang mga manunulat ay may fan-based na, para may kasiguraduhang mayroong bibili ng libro.

Pangalawa, ang mababang estado ng edukasyon sating bansa. Kung napanood niyo ang debate ng mga tatakbong presidente nung nakaraan lamang, sinabi dun ni Presidential Candidate Sen. Defensor. Ang pangalawa sa nakikita niyang problema kung bakit palpak lagi ang napipiling presidente, dahil sa kakulangan ng edukasyon at kaalaman ng mamayang Filipino. Dapat ang mga kabataan na gustong mapublish ang kanilang gawa, ay may kaalaman bago pumirma ng kontrata. Kailangan mong maunawaan ang proseso pati na rin ang sistema ng pagbayad sa'yong librong nailimbag.

Ang karaniwang manunulat dito sa Wattpad na napa-publish ay minor de edad. Bilang isa sa mga nabigyan ng chance maging published writer, gusto ko kayo paalalahanan ng dapat niyong gawin at kailangan niyong malaman bago kayo pumirma sa isang kontrata ng isang publishing house:

1. Hindi porket minor de edad ka lang, ay hindi ka aastang hindi professional. Tandaan, ang publishing house ay isang negosyo, kailangan professional ang iyong dating. Kung nagsend ka ng manuscript sa iyong gmail  o yahoo, dapat pagdating sa usapang ng kontrata o ano mang dokumento, dapat ay via email.  Hindi by Facebook Chat. 

2. Bago ka pumunta sa publishing house, kailangan mong sabihin sa kanila na dapat ay may kopya ka ng kontrata. Huwag kang pumayag na hindi ka nila bigyan ng sarili mong kopya. Para kapag may nilabag sila ay alam mo at dapat mong ipaglaban. Kapag hindi sila pumayag, sabihin mong karapatan mo yun dahil ikaw ang author at creator ng istorya. Kapag hindi pa rin sila pumayag, gamitin mo ang iyong utak. Bakit satingin mo hindi sila pumapayag? Anong kinakatakot nila?

3. Basahin ng mabuti at dapat mong intindihin ng maayos ang bawat detalye sa kontrata. Kung ang kontrata ay nakasulat sa wikang Ingles, hanapin mo sa dictionary ang salitang hindi mo alam. Meron namang apps na pweding idownload sa cellphone.

4. Huwag mo hahayaang hindi ipabasa sayo ang kontrata. O di kaya'y sabihin lang sayo o basahin lang ito saiyo. Kailangan mong makita at basahin ito. Kapag mayroon kang tanong, magtanong ka lang hanggang sa maintindihan mo ang lahat.

5. Kapag kasalukuyan nang nasa proseso ng pag i-edit ang iyong manuscript. Basahin mo muna muli ang kontrata upang malaman kung tama ang ginawa nilang pagbabago sa manuscript. Ang karaniwang nakalagay sa kontrata ay "editing" lang o kaya naman ay "rewriting", magkaiba silang dalawa. May ibang publishing houses na nakasaad sa kontrata na ang "editing" ay responsibilidad din ng writer/author.

Sabi sakin ni Ms. Mina V. Esguerra, ang ibang publishing houses ay nire-require ang "rewriting" sa manuscript at dapat nakasaad ito sa kontrata. Ang ibig-sabihin nito, may karapatan ang editor na baguhin ang pagkakasulat ng iyong kwento, ngunit ang takbo ng kwento ay ganun pa rin naman. Mapapansin ito kapag may mga pagbabagong kang nakita, na hindi mo naman isinulat o naisip. Mapapansin mo ito kapag nabasa mong may ilang detalyeng nang galing na sa imahinasyon ng editor at hindi na ng writer. Subalit sa ganitong sistema, kinakailangang bigyan ng credit ang editor at dapat ay kahati sa bayad. Professionally speaking, ganto dapat ang proseso nito.

Samantalang ang "editing" ay grammatical applications lang mula sa editors pati na rin ang pagsa-suggestion ng editor kung ano ang dapat mong i-improve, tanggalin at baguhin sa istorya. Balita ko, ang ibang kilalang publisher ay kailangan i-summarize ang bawat chapters upang magkasya sa libro. Maaring responsibilidad na iyon ng editor at bahagi ng sinasabi kong "rewriting".

Subalit kung walang sinasaad sa kontrata na kailangang i-rewrite ng editor ang iyong kwento, ibig-sabihin may nilabag na sila sa kontrata. Ngunit pwede mo naman itong baguhin basta ba'y kakausapin mo sila ng maayos na hindi pabalang. 

Mayroong ibang publisher na i-evaluate muna ang inyong manuscript at kailangan mo munang maghintay ng ilang linggo bago sila i-update muli kung approved ba o hindi. Kapag na-approve na, sila na ang mag-i-edit nito. Makikita mo na lang kung anong kinalabasan ng pag edit nito kapag naging libro na. Ang iba naman ay ibabalik sayo ng ilang ulit ng manuscript kapag hindi mo sinunod ang payo nila.

Base lang saking opinyon, ang ibang editors ay practical at teknikal ang pag-edit ng istorya. Kung ano ang makita nilang mali sa sa text o sa context ng manuscript, iyon lang ang papansin. Ang iba rin dyan ay masasakit magsalita. Magtataray na akala mo kapitbahay ka lang nila na pweding laitin. Tandaan, iba ang pangungutya sa propessional at edukadong kritisismo sa iyong isinulat.

Isa iyon sa mga hindi tamang pagtatarato sa writer o mismo sa istoryang isinulat. Sa ating bansa puro praktikal, teknikal at walang rational and logical way of thinking. Ang commercial fiction ay kailangan literal na i-spoon feed ang mga readers. Oo, alam ko na ang commercial fiction, cliche novels, mainstream novels ay ginawa para sa negosyo o sa pera. Ngunit hindi ibig sabihin nito, na hindi na nating tutulungan mag-isip o gamitin man lang ang imahinasyon ng mga kabataang mambabasa. 

Hindi sapat na ipinakita mo lang sa imahinasyon nila ang gusto mong iparating. Kailangan i-challenge ang utak nila, dapat paganahin ng utak nila. Unti-unti nang nawawala ang tunay na essence ng reading lalo nang writing.

6. Pagdating sa payment, kailangan mo silang i-email upang ipaalala ang bayad mo. Madalas ganun ang scenario. Ang dali lang pumirma ng kontrata pero pagdating sa bayad, kailangan ikaw pa ang magpaalala sa kanila. Ang iba dyan ay hindi magkukusang sabihin sayo na pwede mo nang kunin ang bayad nila sayo. Ang parating rason, marami silang ginagawa at busy sila kaya pagpasensyahan mo na lang. Syempre, maaawa ka at iintindihin na lang ang sinabi nila kasi akala nila hindi ka rin busy sa personal mong buhay.

Sa ngayon, ito lang muna ang ipopost ko. Kapag may naalala pa akong kailangan niyong malaman, ipopost ko na lang ito ulit. Pwede kayong magtanong sa comment section, willing akong bigyan kayo ng advise at tulungan kayo. Pero hindi ko kayo matutulungan magpublish ng inyong mga istorya. Sapagkat nasobrahan ako sa pagtatama at pagsasabi ng alam kong tama, kaya ano nangyari sa'kin? Nganga. Loool.

The Diary of a Broken Mind [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon