Basura (Tula)

271 0 0
                                    



Pinilas ka na animo'y isang papel,
Itinapon- tinangka i-shot sa basurahan,
Na tila ba'y basketball,
Pero.. hindi sumakto ang pagbato.
Kaya pagbasak mo sa lupang maputik,
Ang puso mo'y tumigas-
Mas malala pa sa bato,
Ilang ulit ka mang i-dribble,
Walang sakit- ikaw pa ang makakasakit.
Nakahiga sa malamig na lupa,
Na kasing lamig mo na.
Ika'y nagalak nung may pumulot,
Sa isang ikaw, "Ay, sino nga ba ako?"
Subalit.. dinampot ka lang,
Upang itapon na, sa basurahan-
Kung saan ka dapat nararapat,
Nung simula pa lamang,
Na iyong naging katapusan.

The Diary of a Broken Mind [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon