SioMai

484 6 1
                                    

Ako ay may lihim,
        na hindi ko pa nasasabi,
Itong tula ang magsasabi
        kung gaano ako ka-korny

 Hindi mo alam dati,
        na ako saiyo’y malihim na pagtingin.

 Hindi ko alam kung bakit,
        ikaw pang abnormal ang napansin.

 Matangkad, maputi,m
        ay kalakihan ang mga matang

               maihahanlintulad sa kawagong nasa pugad

 Noon, sa t’wing ika’y nariyan,
        ang puso ko’y parang tanga 

                tila ba’y nakikipagkarera sa Sta. Ana.

 Sinubukan kong ika’y titigan ng palihim,
                ngunit madalas mong mahuli ang aking paningin
Kapag ikaw naman ay kaharap, 
        para akong tuod na hirap makagalaw.

Hindi man lang kita matitigan sa malapitan
                sapagkat baka hindi na kita pakawalan
Sa t’wing susubukan kong ikaw kausapin
        nabubuhol ang aking dila.

Minsan pa nga ako ay bigla na lang nangngingiinig
                parang cellphone na nagri-ring.
Sa tuwing ika’y makakasalubungan, 
        napapangiti ako ng kusa,
                parang baliw na nakawala sa mental.


 Ngunit isang araw lumapit ka sa akin,
        mas  nakakalaglag ka pala ng panty sa malapitan
Hanggang mas lalo ka pang lumapit sakin
Umaabot sa puntong,
        naramdaman kong ikaw ay aamin

Doon ko lang napatunayang,
        Mahal nga talaga kita.
Hindi ko alam kung bakit,
        pero nakaramdam ako ng pangit.

Hindi ko rin sigurado,
                ngunit ako ay nag-feeling na ikaw ay aamin.
Disyembre noon,
        bago ang aking kaarawan
                nang iparamdam mo ang iyong nararamdaman para sa akin

Ngunit noong ikaw ay mayroong sasabihin,
                naging hanggal ako,
                        tumakbo ako at iniwan kang sawi

 Ngayon ako’y nakanganga,
        kumakain ng siomai sa Morayta

  Muling inaalala,
        ang nasayang na kwento nating dalawa

The Diary of a Broken Mind [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon