Epilogue♥

1.8K 44 11
                                    

-ZAKE-

Nang minulat ko ang mata ko ay nakita kong nakaupo ako sa rock figure kung saan kami huling nagkasama ni Xia at sabay nanuod ng paglubog ng araw. Kung saan niya ako iniwan.
Maganda ang simoy ng hangin at kitang kita ang kulay asul na malinis na dagat.

"Zake" Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nakatayo si Xia doon, nakangiti ng malapad.
Batang bata pa siya, katulad ng huli ko siyang nakita.

"Xia..." Ngumiti ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. Malaki ang pagkakaiba ni Xia kay Ynna. Sa ugali. Pareho man sila ng mukha, pero iba parin ang kanilang puso.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at ganoon din siya. Hinalikan ko siya sa labi ng matagal.

"Ang bata bata mo pa Xia. Ako, lolong lolo na" Sabi ko sakanya at napatawa siya.

"Sus!! Wala ka bang mirror na dala Zake? Sana naman nagdala ka kahit yun lang. " Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa tubig.
Nakita ko ang dating hitsura ko. Bumata din ako kagaya niya.
Napatingin ako sa balat kong kulubot na pero napakakinis ma ulit nito. Ang gwapong bata na si Zake.

"Oh diba?? Pak!! Namiss talaga kita Zake!! Ang gwapo mo pa din" Sabi niya at niyakap ako ulit.

"God!! Xey..I missed you so much. I LOVE YOU. salamat dahil hinintay mo ako'' Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Salamat din kasi tinupad mo ang last wish ko. Tara na. Hinihintay na tayo ni mama, papa , lola at tita." Napahihnto siya sa pagsasalita at ngumiti ng abot tenga. Yung Xia na palagi kong nakikitang nakangiti pa rin kahit may problema. Siya si Xia.

Ang tunay na Xia.

"At ni dad at mom mo" Dugtong niya. Napangiti ako sa sinabi niya.
Ganito ang gusto ko, walang hanggang kasiyahan. Ang makasama siya habang buhay. I love her...At siya lang ang mamahalin ko.

Magkahawak ang aming kamay at sabay na napatingin sa liwanag.
Tinignan ko ulit ang mukha niya at hinalikan siya sa labi.

''Let's go. Aanakan pa kita ng labing lima" Sabi ko sa kanya at ngumisi.
Hinampas niya ako sa braso at nagtawanan nalang kami.
God...I missed her smile, her lovely face.

"Sampu lang Zake. Sobra ka naman! Let's go"

Ito ang pangarap ko. Ang makasama siya habang buhay. Ang palagi kaming masaya na walang problema. At ngayon, sa kabilang buhay namin ay pinagtagpo kami ulit.

Oh?

So dito na nagtatapos ang kwento namin.

"Bye!"

*kindat at lipbite*





THE END
♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥

Eto na talaga yung end. Nyehehhe. Wala ng book 2. Tinapos ko na :)
Salamat sa lahat ng nagbasa.
Salamat sa mga nagmahal kay Zake at Xia.
Sa wakas natapos ko na din to. Hoooh. Pangalawa ko na tong book na natapos . :)
Siguro kailangan ko munang huminto sa pagsusulat. :) Babalik ako ulit sa summer. Mwuaaaah ♥♥♥
Nakakapagod magtype eh. Char. Pero grade 9 na kasi ako at mejo hard ng school days. Kaya ginawa ko ang best ko para matapos itong STAY WITH ME♥ bago pa magpasukan ulit.
Magkatabi pala ang libingan ni Xia at Zake :) dedo na talaga silang dalawa. Huhu.

Salamat!!!

Date ended: May 22, 2017 .

Belated Happy BITRTHDAY SUHO!!! Hehe. Lovelots. Fangirl foreveeer.
May forever huh. Maniwala kayo. Meron talaga, promise.
Graaaampss!! Mahal kita.

So eto na. Hihi. End na talaga. Salamat sa inyong lahat :)

Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now