Chapter 27[Abandoned Factory]

1K 22 17
                                    

Dedicated to: angelvsdevel07 at ateng badgirl dahil sa patuloy na pagbasa ng Stay With Me. ^_^
Naiinspire kasi akong mag update kung may nagbabasa. Feeling ko kasi pag nag update ako na walang views parang wala lang story ko. :-(

ZAKE'S POV

"Where the hell have you been??!!"
Sa sobrang pag-aalala ko kay Xia, nataasan ko na sila ng boses.
And speaking of Xia, napatingin ako kela Justin at Rain na hingal na hingal na tumatakbo papunta sa amin ni Zayn.
Tinuro kasi ni Zayn kung saan sila Xia tumambay para kumain.

"Where's Xia??" Tanong ko.

Di makasagot ang dalawa at hinihingal pa din. Nagtinginan lang silang dalawa na para bang may tinatago at nakakabahang sabihin ang problema nila.

"Where the hell is Xia!?" I shouted.

"Zake...I-ilang minuto na ding nasa cr kanina si Xia kaya nagtaka kami na di parin siya bumabalik sa table namin. Then, nung pinuntahan namin siya sa girl's cr, wala na siya. Nag tanong na din kami kung may nakakita sa kanya" Justin explained.

I massaged my temples sa sobrang pagka-stress.

"Sana sinamahan niyo siya" Kalmado kong sabi.

"Eh?s-sabi niya kasi wag na" -Sabi ni Rain sabay napakamot sa ulo.

"May cctv dun diba?? Let's check it" I said.

"Okay.. Then-----"-Justin

"Now!!" Sigaw ko.

Kapag malaman kong kagagawan na naman ito ni Zainlux, hindi na akong magdadalawang isip na patayin siya.

Napatakbo kaming tatlo at pumasok sa restaurant.
Pumunta kami sa counter at tinanong ang babae.

"Ahmm..A-ano po s-sainyo??"tanong nito.
Nauutal pa.

"Where's the cctv room?? We really need to check the cctv footage,now" Sabi ko.

"Ah.. o-okay.. sa tabi ng cr po sir"
Sagot nito at kaagad naman kaming pumasok doon.

"Mga anong oras kayong pumunta dito??" Tanong ko.

"I think it's around 7:30 PM '' Sagot ni Justin.

Nung chineck ko yung oras na yun, nakita ko pa ang pagpasok nilang tatlo.

Nakaupo lang sila at nag-uusap.
Maya-maya,tumayo sina Justin at Rain. Naghihintay lang si Xia at nakatingin sa paligid.
May nakita akong lalaki naka-mask at naka-cap na black na kanina pa nakatingin kay Xia pag pasok palang ng restaurant.
May kausap siya sa phone at maya-maya pa ay binaba niya ang tawag at napatingin sa paligid. 2 tables ang layo niya sa table nina Xia, sa bandang corner ito nakaupo.
Bumalik na sina Justin at Rain na may dala na maraming pagkain.

"Hindi pa diyan yan. I-fast forward mo pare" sabi ni Justin.

Gaya nga ng sinabi niya, finast-forward ko ito.
Almost 7:50 wala pa ding may nangyayari.

"There!!" Sigaw ni Rain habang nakaturo pa sa monitor.
Pinlay ko na ito.

Pumunta si Xia sa cr. We check the other side of cctv. Yung sa labas ng cr. Maya-maya pa ay lumabas si Xia sa cr, napahinto siya at napatingin sa madilim na bahagi at biglang may lalaking tumakip sa ilong niya ng panyo at nawalan si Xia ng malay.

"Shit!!!" Sigaw ko sabay napahampas sa mesa.

"I guess that's not Zainlux , but one of his minions." Sabi ni Zayn kaya napatingin kami sa kanya.

Lumabas kami ng restaurant at sumakay sumakay sa kotse namin. Nung ista-start ko na sanang paandarin ang sasakyan ko ay may tumawag sa akin.
Unknown number.....

[Hey there Zake. Miss me??] Sabi ng boses ng lalaki sa kabilang linya.

[Who the hell are you Zainlux?!! Wag na wag mong idadamay si Xia dito!! Ako mismo ang papatay sayo!!"Sigaw ko sabay napahampas sa manibela.

[Relax Zake. This isn't Zainlux. I'm just his minion. Baka di pa ngayon ang tamang oras para makilala niyo ang isa't isa.] Sabi niya at tumawa.

[Where's Xia?!!]
Galit na tanong ko.

[Gusto mo ba siyang makausap?? Well. Sulit-sulitin mo na dahil baka ngayon ang huling araw na maririnig mo ang boses niya.Hahaha]
He said.

[Where is she?! Tell me now!! Let her talk to me]
I said, trying to keep calm.
But darn!! I really cannot.

[Hello Zayn!!]
Masiglang sabi ni Xia.

[Xia!! Sinaktan ka ba nila?? Anong ginawa nila sayo?? Pinahirapan ka ba nila?? Inabuso ka ba nila? Binaboy? What?! Tell me!!]
I started to panic.

[Hehehe. Ano bang sinasabi mo Zake?? Kumakain kaya ako ngayon. Pinainom nila ako ng strawberry shake. ] Sabi ni Xia.
Sh*t!! Sa ganitong kalagayan kumakain pa siya? Di niya alam kung ano kapahamak ang pinasok niya??

[Okay Xia.. I'll get you, don't worry okay??] I said.

[Naku Zake!! Kahit wag na!! Maraming pagkain dito oh. Pwede na akong magpaampon sa kanila kasi ang sarap sarap ng mga pinapakain nila sa akin. Pumunta ka dito Zake para matikman mo------]

[Xia?!]

Biglang nilayo sa kanya ang phone at ang boses ulit ng lalaki ang narinig ko.

[What do you want??Money?? Car??House?? Anything you want. Just don't hurt her]

Pinakiusapan ko ang lalaki.
Tumawa siya ng mahina.

[Don't worry Zake. Hindi namin siya sasaktan. Hahahha!! But, you need to be in time. Maganda pa naman siya at sasayangin mo lang. Baka mauna pa kami sayo. Hahahha!!!]

[Go to hell!! Saan niyo tinago si Xia?!]

[Abandoned Factory near the Montreal University---]

*toooot toooooot toooooooot*

Binaba ko na ang tawag at tinawagan sina Justin,Rain at Zayn.

[Abandoned factory near our school]
Sabi ko dirediretso at binaba ang tawag.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko at tinungo ang abandoned Factory sa likod ng school namin.

Di ko na hinintay ang pagdating nilang tatlo at sumugod na ako sa loob.
Nakaupo si Xia sa isang upuan.
Sa center. Nakatakip ang bibig ng malaking tape at nakagapos sa upuan. Nanlaki ang mga mata niya nung makita ako.

Akmang hahakbang na ako papunta sa kanya ay biglang may lumabas na mga lalaki.Nakangisi sila. At yung isa, pumunta sa likuran ni Xia at tinutukan ng kutsilyo ang leeg mi Xia.

"Leave her alone!! Wag na wag niyo siyang sasaktan." I said angrily.


"Hahahaha. I'm sorry pero, nautusan lang kami ni boss" sabi nung lalaki sa likuran ni Xia.

"Saan ba si Zainlux ?? Ano ba ang kailangan niya sa akin?" Tanong ko.

"Simple. Masaya na daw siya kapag nakikita kang nahihirapan at nasasaktan. Pero sabi niya, wag kang patayin. Kaya eto nalang ang sasaktan namin"
Dugtong pa niya at mas nilapit ang kutsilyo sa leeg ni Xia.
Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Xia. Umiiyak na siya.
Patuloy lang ang pag agos ng luha niya.


--------------

Ano kaya ang susunod na mangyayari??

Ito na ba ang katapusan ni Xia?

Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now