Chapter 40[Revealing the truth]

1K 18 6
                                    

XIA'S POV



"Zake??" Tawag ko kay Zake na nagmamaneho pauwi sa condo.
1 week na din ang nakalipas na di ko na nakikitang kasama ng mga barkada ni Zake si Zayn. Matapos kasing nangyari yun, dun ko na din di na nakikita ulit si Zayn. Haist.



"Ano yun, Mahal ko? Tanong niya at saglit ako na tinignan.

''Si Zayn..Bakit di ko na siya nakikita sa---"




"Kalimutan mo na ang lahat na nangyari Xia, ayokong maalala mo pa yun."

Haist. Oo nga. Pero nasaan na ba siya ngayon?


"Magtatanong lang naman sana ako kung bakit di ko na siya nakikita" Diretso kong tanong.




"Nagtransfer siya ng school."


Ahh.. Ganun naman pala eh. Pero dahil yun sa akin,hindi ba?
Dahil sa akin ay nag away sila ni Zake. Kaya gusto ko sanang magsorry sa kanya.





Binuksan ni Zake ang pinto ng kotse para sa akin. Inakbayan niya din ako papasok sa building.


Pagkalabas na pagkalabas namin sa elevator ay nakita namin si Justin at Rain.



"What are you doing here?"Nagtatakang tanong ni Zake.




"Hello Rain!! Justin!!" Nakangiti kong bati sa kanila.



"Hi Xia..I missed you---" Lalapit sana si Justin sa akin ng bigla siyang hinarangan ni Zake.



Ayeeeee!! Nagseselos na naman ang asawa ko. ♥




Pumasok na kami sa condo ni Zake at umupo kami kaagad sa couch.


"Bakit kayo nandito??"Zake.



"Zake...Can we, ask you a question?" Tanong ni Rain sabay napatingin kay Justin na nakatingin din sa amin.





"K" Zake.




"Bilisan mo na Rain. Maiinip na yan mamaya eh" Mahinang sabi ni Justin kay Rain. Mahina nga pero mejo malakas kasi naririnig ko parin. Hehe.



"Bakit ako? Bakit hindi ikaw?." -Sabi ni Rain.




''Ikaw nalang. Baka naman kasi wala diba?" Justin.




"Oo nga. Wag nalang kaya??" Rain.



"Okay..Wag nalang pala Zake---"
Justin.



"Itigil niyo nga yang pag aaway niyo kung gusto niyo pang makalabas ng buhay dito!" Galit na sigaw ni Zake.




"Oy Zake. Wag mo naman silang sigawan. Baka di na nila sabihin" sabi ko.
Ang kaninang nakakunot na noo ni Zake ay di na kumunot.



"Bilisan niyo na" Mahinahong sabi ni Zake.




"Inlove ka ba??" Tanong ni Justin pero hinampas siya ni Rain.

Ang babading talaga nila. Pero ang cute!




"Gago bro!! Kung ano ba talaga sila ni Xia!" Sabi ni Rain..



"Ahm...Ano ba talaga kayo ni Xia? Magboyfriend na ba kayo? Kasi parang palagi kayong nakadikit sa isa't isa" sabi ni Justin.




Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now