Chapter 48 [Sunset♥]

1.1K 22 0
                                    

XIA'S POV

Hinalikan ko si Zake dahil mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal. Ayoko din siyang mawala. Pero maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya? Ano?? Magpapakatanga ka na naman ba, Xia??

Naramdaman kong parang nanghihina ako. Pero hindi dahil sa halik....Dahil sumasakit na naman ang ulo ko.

"Xia..Are you okay?!!" Nagpapanic na tanong ni Zake.

"Ahhhhh!!''
Ang sakit!! Parang may pumipisil sa utak ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko habang nahihilo at sumisigaw dahil sa sakit.

"Madam Clein!!  Si Xia!!" Narinig kong sigaw ni Zake at kaagad akong binuhat palabas ng mansion at unti unti ng nawala ang paningin ko.

***

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nasa isa akong kwarto na kulay puti. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong mahimbing na natutulog si Zake sa tabi ng kama na hinihigaan ko habang hinahawakan pa ang kamay ko.

Ang gwapo ni Zake kahit tulog.
Noon, nangangarap lang ako na sana, may magmahal sa akin na gwapong katulad nito. Ang lalakeng tatanggapin ako ng buong buo at yung hindi ako iiwan.

Sabi ni mama, kailangan kong matutunan ang makinig sa ibang tao. Kailangan ko munang intindihin ang mga nangyayari. Kailangan ko ding matuto ang magpatawad.
Dahan dahan kong ginalaw ang daliri ko dahil ramdam na ramdam ko ang pangangalay nito. Pinisil ko ang kamay ni Zake at nakita kong gumalaw siya. Dahan dahan niyang binukas ang mata niya at kaagad na napatingin sa akin. Namamaga ang mga mata niya at halatang kaina pa umiiyak.
Ngumiti siya ng mapakla at hinalikan ang noo ko.

"Mahal ko"Sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.

"Minahal mo ba talaga ako?? O  ako lang ang nagmahal? " Tanong ko. Pumikit siya at hinalikan ang kamay ko.

"Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita Xia. Hindi ko kakayanin kung mawala ka. Ikaw lang ang babaeng minahal ko at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko" Sabi niya sabay pumatak ang mga luha niya.

''T-totoo??" Napangiti ako sa sinabi niya. Minulat niya ang mata niya at ngumiti sabay tumago bilang sagot.
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid ang luha niya sa kanyag pisngi.

"P-pero...Totoo bang mamamatay daw ako? Sabi ni lola at--tita?"
Bigla kong tanong. Napakagat siya sa ilalim niyang bibig at seryoso akong tinignan.

"Mahal ko. Mamatay ka man, ikaw parin ang laman ng puso at isip ko. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at wala ng iba. I want to stay with you forever. I want to live with you forever. So please, stay with me. Okay? Promise me that" Sabi niya.

Naramdaman kong umiiyak na naman ako. Ang OA kasi ni Zake. Problema pala kapag marami ang utak mo, ikakamatay mo pala ito. Gaya din ng love, di pwedeng magmahal ng dalawa. Kailangan mong bitawan ang isa kasi kailangan. Haist...

"Zake...K-kung mamatay ako, ayoko dito sa hospital."
Nagulat siya sa sinabi ko at napakunot noo pa pero ngumiti naman kaagad.

"Saan mo gusto? " Biglang lumungkot ang mukha niya.
God...Mamamatay ba talaga ako??

Pero ayoko talagang mamatay sa hospital.. Gusto ko, espesyal.

"Apo!!" Napatingin kami sa  pumasok sa loob ng kwarto. Tumakbo si lola at tita at kaagad akong niyakap.

"Apo, okay ka lang ba??" Nag-aalalang tanong niya.

"Aba!! Gago ka Zake!! Ikaw ang may dahilan kung bakit nanaman na hospital ang pamangkin ko!!" Sigaw ni tita at kaagad na sinabunutan si Zake.

"E, ti-----awww!!" Sigaw ni Zake.

"Tita!!! Tama na po!!" Sigaw ko kaya napahinto siya at binitawan si Zake. Inirapan niya si Zake at niyakap ako ulit.

"Sinaktan kaba niya Xia?? Naku. Sabihin mo!! Ipapa ambush ko yan sa mga kaibigan kong alien---"

"Tita naman" Sabi ko at hinampas siya sa braso.

"Lola, tita.. May sasabihin po ako" panimula ko. Napatingin ako kay Zake at hinawakan ang kamay niya at ngumiti.

"A-ayokong mamatay dito sa hospital. Gusto ko po, sa beach...Gusto kong makita ang sunset, kasama si Zake" Sabi ko at ramdam na ramdam ko na nama ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi ko.

"Apo" Sabi ni lola at umiiyak na din siya.

Niyakap ko si lola at tita ng mahigpit.
"Lola, tita..Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Kung wala kayo, siguro palaboy laboy nalang ako sa kalye. Mahal na mahal ko po kayo, at masaya akong kayo ang naging pamilya ko. Ayoko po sanang mahiwalay sa inyo.. pero---p-pero gusto na ni lord na kunin ako at samahan sina mama at papa. Sorry po lola at tita, kung kailangan ko nang umalis."

Sila ang mga pamilya kong sinuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Minahal ako ng buong buo at inalagaan.

Si tita, di sumuko sa pag-alaga sa akin kahit na hirap na hirap na siya. Si lola, di tumigil sa paghanap sa akin at kinupkop pa kami ni tita at binigyan ng magandang buhay.
Mahal ko sila, mahal na mahal.

At dahil iyon ang gusto ko, kaagad kaming pumunta ni Zake sa isang beach. Sumunod sina lola saamin.

Nung makarating kami ay iniwa na kami ni lola at tita sa seaside.

Nakaharap kami sa west part ng beach at kitag kita anhg kulay orange na langit.

"Wow" Sabi ko at ngumiti. Tinigna ko si Zake at umiiyak na naman siya.

Mahal na mahal ko din tong lalakeng to.

Ayaw ko mang iwan siya, pero pagod na ako eh. Kahit anong laban ko, di din naman daw ako gagaling.

Tao din ako, napapagod din.

Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now