Chapter 5[Summer vacation]

1.5K 52 36
                                    

Chapter 5:

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa tunog ng maingay kong Cellphone.
Kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko at tinignan kung sinong tumatawag.

Isang hindi pamilyar na number. Sino ba ito?
Sinagot ko ang tawag at nilagay sa tenga ko ang phone.

"Hello? " antok na sagot ko.

"Xia!! It's me Sofia!! "


"Huh? Sofia? "
May bago na namang Sofia? Nasaan na ang unang sofia the first?

"Oo! Zake's Mother"

Napaupo ako ka agad at napangiti.

"Sofiaaaa!! "

"Xia, we are going to go somewhere! "
Napatayo ako ka agad at kinuha ang towel ko.

"Sige po! I'll right be away! " sagot ko.
Nilagay ko ang phone ko sa table sa gilid ng kama ko.
Pumasok na ako ka agad sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay tumungo ako ka agad sa cabinet ko.Kinuha ko ang isang jeans at tshirt .

Tumunog ang phone ko at may nag text.

From: 0945*******

Xia pupunta tayo sa beach kaya magpaganda ka ok? Zake will pick you up. Magkita tayo mamaya. Ahihi.. Sige bye na!

"BEACCHH!!?!??" Napatalon ako sa tuwa ng mabasa ko iyon.
Eh? Anong susuotin ko? Teka! Mag ja-jacket ako kasi ang init init dun sa beach. Nakakaawa naman skin ko baka umitim.
Di na ako nag bihis. Sinuotan ko lang ng itim na jacket tapos nag sneakers ako tapos may bullcap akong suot tapos may mask pa akong suot! Perfect! Di na ako maiinitan. Hihihi.

Lumabas na ako pagkatapos sa kwarto. Chineck ko ang oras at 9:00 Am na pala.
Bumaba ako sa kwarto at tumungo sa kusina kung nasaan si tita nagluluto ngayon.

"Tita"
Lumingon siya sa akin na may hawak na frying pan. Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ako ng frying pan!!
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit!

"Tita naman! Ang sakit? "

"S-sino ka?! " tanong na sigaw niya habang nakahanda pa din ang kamay na hampasin ako ulit. Nakataas ang kamay at hawak hawak ang frying pan.

"Tita ano ba! It's I'm! "[It's me] Sagot ko.
Tinanggal ko ang bullcap ko at mask.

"Xiaaaaa!! Anong nangyari?! Bakit ang sobrang conservative
mo ha? Meron bang Costume party? Omg. Bakit di ako na inform? " tanong niya at binaba ang frying pan.

"Tita pupunta po ako ngayon sa beach ha? Sasama ka po? "

Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now