MALDITA 15

886K 23K 5.3K
                                    

Maldita 15

Kagabi lang ako nakatulog ng maayos at mahimbing dahil nabawasan ang mga iniisip ko. Panatag ang loob ko dahil malayo na ulit sa akin ang taong plastic na si Avy at wala akong madadatnang busangot na mukha pagkababa ko dahil wala na rin si Miranda. For the first time of being alone in this huge house, I feel at peace.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan at binati ko ang mga katulong ko na ikinagulat nila. Pinabayaan ko na lang ang pagbubulungan nila. Siguro nagtataka sila kung anong nakain ko at bigla ko silang binati. Walang dahilan para magsungit ako sa kanila ngayon. At hindi ako papayag na masira ang araw ko ngayon. Para akong tanga na nakangiti habang dinadama ang katahimikan ng buong bahay ko.

Kung dati, de numero ang mga kilos ko dahil may nakasunod na mata sa akin, ngayon, malaya akong gawin ang mga gusto ko. Walang sumisita sa akin. Wala ng biglang susulpot para pagalitan ako. Wala ng iistorbo ng pagpapahinga ko. Wala ng kwekwestyon sa mga lakad ko. Wala na. Wala ng kontrabida sa buhay ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng malaya. Sobrang saya. Parang mapupunit na 'yung mukha ko sa sobrang lapad ng ngiti sa mga labi ko. Magagawa ko na din sa wakas ang matagal ko nang gustong gawin.

This may sound silly but I wanted to do this for so long. Pumunta ako sa may sala, binuksan ko ang stereo at nilaksan ang volume. Fuckin' Perfectby Pink started playing. Kahit ang simpleng pagpapatugtog ng malakas ay hindi ko magawa noon sa bahay ko dahil sa pangingialam ng isang tao. At ngayon, I am singing at the top of my lungs. Who cares if I am out of tune? I am freakin' perfect!

-

Later that day, I called my best friends and told them what I did to Miranda and Avy's retreat. They all said their congratulations and agreed to a pool patry at Haven's Resort which owned by Dhonna's family.

Wearing my floral dress and beach bag in hand, I walked straight to the entrance of the Resort. Pinapasok kaagad ako noong guard at kinuha ang bag ko saka ako inescortan papunta sa cottage naming magkakaibigan.

Wala akong naabutan sa cottage, I check the time and to my surprised I am one hour and thirty minutes early. Napailing na lang ako, hindi maipagkakailang excited ako sa celebration na 'to. I texted them para ipaalam na nasa Resort na ako at pumunta na sila. As usual, inasar na naman nila ako for being early.

After an hour isa-isa na silang dumating. Nauna ang anak ng may-ari na si Dhonna, followed by Frances and lastly Aira.

"Hindi ka naman excited?" Natatawang tanong ni Dhonna sa'kin.

"Whatever. Just go and change." Sagot ko at umalis na sila para magpalit.

While waiting for my best friends I decided to put some sunblock on my skin before I roam around the Resort. Habang nag-aapply ako ng sunblock sa braso ko, busy ang mata ko sa paghanga sa nakikita kong pagkaka-ayos ng Resort. Hindi ko kasi masyadong nakita ang itsura nito noong nagpaparty ako dahil busy ako kay Avy. Ang ganda ng pagkaka-renovate.

"Do you need help?" Rinig kong tanong ng isang lalaki.

Tumingala ako para makita ko sya. He's wearing a board shorts, white sando and sunglasses. He looks pissed. I wonder why?

"I know I'm hot. I asked you if you need help, I didn't askyou to drool." Iritadong sabi nya.

Ok. What was that? Ako? Drooling over him? Hashtag ANgKapalNgMukha! Anong problema nitong lalaking 'to? Medyo bastos at masyadong mayabang! Sya lang ang nakilala kong nag-alok ng tulong na galit. Keep calm Avah, hindi sya ang taong sisira ng magandang araw mo.

Ngumiti ako habang nakatingin sa iritado nyang mukha. Iniabot ko sa kanya ang bote ng sunblock lotion na hawak ko. Kumunot ang noo nya, hindi nya ata na-gets.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon