MALDITA 24

888K 21.4K 4.9K
                                    

Maldita 24

Noong makarating kami sa School garden, tumigil sya at saka iniikot ang tingin sa buong paligid.

"Ito na ang garden?" Nagtatakang tanong nya.

"Bakit? May problema ka?" Mataray kong sagot.

"Well, honestly...your School garden is plain, dull, boring and –" Nag-long pause pa sya bago tumingin sa akin.

"Lifeless."Dagdag nya saka ibinalik ang tingin sa buong garden.

Medyo nainis naman ako sa sinabi nya. Offended is the right term sa naramdaman ko after hearing his comment. Aminado naman akong pinabayaan ko talaga 'tong garden na 'to dahil may mga bad memories ako dito pero sasabihan nyang parang walang buhay ang School garden ko, nakakainis. Lalo na ngayon na sa akin na ang School na 'to. Kung may masabi mang pangit ang mga tao tungkol sa School ko, parang ako na din ang sinasabihan nila nang hindi maganda. At hindi bagay sa akin sabihan ng pangit dahil sobrang ganda ko lang.

"Eh ano naman? Lahat naman ng meron sa alam mong itsura ng isang garden ay makikita mo rin dito sa garden ng School ko! Tignan mo, may puno, may bench, may damo, may konting bulaklak at may fountain pa! Huwag mo nga akong artehan, basta garden 'yan!"

"Tama ka, lahat nga ng meron sa isang garden na alam ko ay meron din dito. Literally yes, present lahat sila dito but their presence? Wala dito...hindi ko maramdaman." Pumunta pa sya sa isang bench na nasa ilalim ng puno at umupo doon. Sinundan ko sya at umupo ako doon sa mya bench na malapit sa may fountain na medyo malayo sa kanya.

"Anong sinasabi mo dyan? Hindi mo pa ba ramdam na nakaupo ka sa isang bench na nasa ilalim ng puno? Landscape architect ka ba o espiritista? Kailangan ba maramdaman mo pa lahat ng elemento dito bago mo matawag na garden?"Nilingon nya lang ako at nginitian. Bigla naman akong kinilabutan sa ngiti nya. Nakakatakot syang ngumiti!

"Huwag ka ngang ngumiti dyan!" Pasigaw na sabi ko.

"Bakit crush mo na 'ko?" Itinaas baba pa nya ang kilay nya saka ngumiti pa ng todo.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Nag-react lang ako sa pag-ngiti mo crush na agad? Ganon kabilis? Ano 'yun crush at first smile? Yuck! Hindi ba pwedeng kinikilabutan ako sa ngiti mo? 'Yung confidence level mo lagpas langit hindi ko ma-reach. Bwiset!"

Ibinalik na nya ang tingin sa paligid at nawala na din ang creepy nyang ngiti. Seryoso na ulit ang itsura nya.

"Seryoso kasi ako Miss. We're doing a business here. Professionally speaking lang naman ang sinabi ko. At 'yon ang nakikita ko dito as a highest paid landscape architect."

"Ok na sana eh, ang yabang mo lang. Ok fine! Show me what you've got Mr. Neon Aguilar."

"Neo hindi Neon." Pagtatama nya. He even rolled his eyes.

"Neon, Neo, whatever, pareho lang 'yon nag-sstart sa letter N. Huwag ka nang umarte, kupal ka pa din." I rolled my eyes and flipped my hair. Mainggit sya sa buhok kong maganda.

"Whatever Malds! So as i was s—"

"Anong itinawag mo sa akin?"

"Ano?" Inis na tanong nya.

"Anong itinawag mo sa akin?" Ulit ko.

"Malds! Short for maldita. Problema mo?"

"Stop calling me that, hindi tayo close. Ok? Anong problema ko? Madami, gusto mo bigyan kita baka kasi naiinggit ka." Feeling close masyado at nagawa pa nya akong bigyan ng instant pet name!

"Tatawagin kita sa kahit anong pangalan ang gusto kong itawag sayo. Parang patas." Tumayo sya sa pagkakaupo nya at nag-ikot sa garden. Hinahawakan pa nya ang mga madadaanan nya. Tulad ng puno, bench at ilang bulaklak tapos iiling. 'Yung totoo ang weird nya, para syang may sayad. Hindi ko tuloy malubos maisip kung paano sya naging highest paid landscape architect. Baka naman nag-iimagine lang sya? Baka frustration nya 'yon kaya sinakyan na lang ng lahat ang trip nya?

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon