MALDITA 22

923K 22.2K 8.1K
                                    

Maldita 22

Napapikit ako sa ginawang pagtulak sa akin ni Avy at napa-upo din ako sa semento dahil sa ginawa nya. Mabuti na lang at naitukod ko ang kamay ko kaya hindi ako sumubsob. Mabuti na lang talaga at hindi nasira ang maganda kong mukha kung hindi, sasamain talaga sa akin 'yung reckless driver na 'yon!

"Ouch." Mahina kong sabi.Dahan-dahan kong iniangat ang kamay na ipinangtukod ko para i-check kung may gasgas ba ang palad ko. Nagkaroon ng gasgas ang makinis at malambot kong palad, nakaramdam din ako ng konting kirot sa bandang siko ko kaya naman tinignan ko din 'yon. Tulad ng inaasahan, may gasgas din. Urgh! My skin.

Ibinaling ko naman ang tingin sa direksyon ni Avy. Tignan mo nga naman, hindi lang pala ako ang selfish...busy din sya sa pagtingin sa mga tinamo nyang galos. Magkapatid nga talaga kami, pareho kaming makasarili.

Napatingin sya sa akin.

"Are you ok?" Tanong nya.

"Concern?" Pang-aasar ko. Inirapan naman nya ako. Ang bilis naman magtampo.

"Gasgas lang. Ikaw? Ok ka lang ba?" Tanong ko din sa kanya. Tumango naman sya. Saka dahan-dahan na tumayo, ganoon din ang ginawa ko. Pinagpagan ko pa ang damit ko. Noong maka-recover ako sa pagkabigla, tinignan ko nang masamang-masa ang sports car na muntik nang makabangga sa amin. Muntik na kaming mawala sa mundong ibabaw dahil sa reckless driver na 'to! Mabilis kong pinuntahan ang kotse nya at saka ko pinagkakatok ang bintana ng kotse nya.

"Hoy! Bumaba ka dyan! Walanghiya ka! Alam mo bang muntik ka nang makasagasa? Lumabas ka dyan! Bwisit! Dapat sa'yo hindi binibigyan ng lisensya. I'm gonna report you for reckless driving!" Sigaw ko, hoping na maririnig nya.

Naramdaman ko naman na lumapit sakin si Avy at hinawakan ako sa braso ko at pinigilan nya ako.

"Tama na." Sabi pa nya. Inis ko syang tinignan.

"Anong tama na? Muntik na tayong mabangga tapos pipigilan mo ko? Kailangan nyang pagbayaran 'yong ginawa nyang pag-gasgas sa makinis kong balat, bwiset sya!" Pinaghahampas ko ulit ang bintana ng kotse nya habang patuloy pa rin ako sa pagsigaw. Badtrip lang dahil tinted yung bintana nya kaya hindi ko makita kung sino 'tong gago o gaga na 'to!At talagang hindi pa rin sya bumababa ng kotse nya. Nakakapang-init lalo ng ulo.

"Tabi nga." Sabi sa akin ni Avy saka ako inilayo sa may sasakyan.

"Ano ba? Kanina ka pa pigil nang pigil! Baka nakakalimutan mo na dahil sa katangahan mo muntik na tayong mabangga. Magsusuot ka kasi ng mataas na heels hindi ka naman pala marunong maglakad ng tama!"

"At kasalanan ko pa talaga? Ginusto ko bang matapilok? Sino ba namang matinong tao ang papangaraping matapilok sya? Konting imbak nga ng utak Avah!"

"Ano? Mag-aaway na naman ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang nauna!"

"Pumatol ka!"

"Magsisihan tayo habangbuhay, gusto mo?"

"Fine! Aksidente na." Pagsuko ko.

"Tumabi ka muna baka tamaan ka. Tignan ko lang kung hindi pa sya bumaba sa kotse nya." Sabi nya at hinubad ang suot nyang sapatos.

"Anong ginagawa mo?"

"Just watch."

Biglang nanlaki ang singit kong mga mata sa sunod nyang ginawa. Hinampas nya ng malakas ang bintana ng kotse gamit 'yung takong ng sapatos nya. Biglang nagkalamat ang bintana ng kotse at ilang segundo lang ay biglang bumukas ang pintuan ng kotse. Lumabas ang isang lalaki at natatarantang pinagmasdan ang crack sa bintana ng kotse nya.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon