MALDITA 16

889K 23.5K 4K
                                    

MALDITA 16

Nawalan na ako nang ganang mag-stay dito sa Resort dahil sa lalaking 'yon. Ang lakas nyang makabad vibes! Inis na inis kong inayos ang mga gamit ko. Uuwi na ako. Imbis na ma-relax ako dito, nas-stress lang ako. Kaimbyerna!

Sakto namang papa-alis na ako noong biglang dumating ang mga kaibigan ko. Tinignan nila ako ng nagtataka.

"Where are you going?" Dhonna asked and pointed at my things.

"Uuwi na." Iritado kong sagot.

"Bakit? Kakadating lang namin, uuwi ka na?" Pagtataka ni Aira at inilapag ang mga gamit nya.

"Sumama kasi ang hangin dito, hindi makatarungan. Dumaan si Habagat." Bwisit na bwisit ko pa ding sabi. Then Frances started laughing at hindi na din napigilan pa noong dalawa at biglang tumawa.

Ok. That's weird. Nababaliw na ang mga kaibigan ko. Anong meron sa araw na 'to? Kanina lang ang saya-saya kong pumunta dito. Excited pa nga ako, tapos biglang dumating 'yong Kupal na habagat na 'yon at muntik na akong tangayin ng kayabangan nya at ngayon naman, nababaliw na ang mga kaibigan ko. Ano pa bang pwedeng mangyari sa araw na 'to? Meron pa bang mas lalala pa?

"Ang saya nyo ha. Share nyo naman baka sakaling sumaya din ako." Sarkastikong sabi ko.

"We saw that." Frances said in between her laughs.

"Saw what?" And still I'm pissed.

"The little scene you had with the meanest guy in town." Dhonna said.

Yeah right. Hindi lang sya mean. Isa syang bastos, walang modo, antipatiko, kupal, sira-ulo, makapal ang mukha, arogante, gago, bwiset, masyadong bilib sa sarili at pinaka-mayabang na lalaking nakilala ko. Lahat na nang masamang description para sa isang lalaki...hindi, lahat na nang masamang description para sa isang tao, nasa kanya na. Siguro noong nagpa-ulan ng magagandang asal ang langit, nakapayong sya baka nga nag-kapote at bota pa. Urgh! Kumukulo na naman yung dugo ko kapag naaalala ko yung kupal na 'yon.

"Oh, tapos?" Mataray kong tanong sa kanila.

"Grabe lang 'yong tawa namin kanina habang pinapanood namin kayong magsagutan. Ang dami ko ngang tawa e. Mga ten." Humawak pa si Dhonna sa tyan nya habang tumatawa.

Ayan na naman 'yong 'ang dami kong tawa'. Bakit kelangan pang bilangin 'yong tawa? Ang labo, nauubos ba 'yon? Limitado ang pagtawa nya ganoon? May quota na sinusunod? Kapag lumampas magiging bato sya? Nakaka-inis, sino ba kasing nagpa-uso nyan? Trending ba sa twitter 'yan? Hashtag AngDamiKongTawa.

"Ganyan. Pinanood nyo lang ako? Ni hindi man lang kayo tumulong? Pinabayaan nyo lang ako? Anong klase kayong mga kaibigan? At ikaw Dhonna, hindi mo man lang pina-alis sa Resort mo 'yon. Nakita mo nang binabastos ako."

"Chill Avah, we're so aliw kanina, we forgot to save your soul. You didn't ask for help din naman kasi." Sabi ni Frances.

"Saka akala naman namin kaya mo sya. It turns out na mukhang nakahanap ka na ng katapat." Mapang-asar na sabi pa ni Aira.

Katapat? That jerk? No. Never.

"Hindi ko naman pwedeng paalisin basta-basta dito 'yon." Paliwanag ni Dhonna. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Don't tell me type mo? Kasi kung oo, kalimutan mo ng kaibigan mo ako." Banta ko sa kanya.

"Hindi 'no. He's hot and good-looking but he's not my type."

"Hot and good looking? Girl, you sure do have a poor eyesight. Frances, paki-check up ha." I said and rolled my eyes.

"Ikaw ata ang may problema sa mata girl. Hindi mo ba nakita? Almost every girl in here is drooling for him." Sagot ni Aira.

"Nakaka-awa naman pala ang mga babae dito, mga walang taste!" Iritadong sagot ko.

"Nakikita mo ba ang new look ng Resort?" Tanong ni Dhonna. Tumango ako, kanina ko pa nga pinagmamasdan at kanina pa ako humahanga.

"Eh 'yong bagong Garden malapit sa may Kiddie pool nakita mo na?" Tanong pa nya. Tumango ulit ako.

"Can you just spill the beans?" I snapped.

"Sya lang naman ang nag-renovate ng buong Resort." Nakangiting sagot ni Dhonna.

"At isa sya sa mga highest paid landscape architect dito sa Pilipinas." Napanganga naman ako sa sinabi ni Aira.

Ilang ulit kong binukas sara ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. As in for real? 'Yung lalaking 'yon? Highest paid architect? Hindi matanggap ng utak ko na ang Kupal na habagat na 'yon ay mas angat sa akin. Hindi. Hindi pwede.

"You're kidding." Sagot ko.

"We're not." Natatawang sagot nila.

Maya-maya lang inilabas ni Frances ang phone nya.

"Look." Sabay abot ng phone nya sa akin. Kunot-noo ko 'yong kinuha at tinignan ang screen. YouTube.com. Nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko ang kanina lang na sagutan namin ng Kupal na habagat na 'yon.

"Kinuhanan mo na nga ng video, nagawa mo pang i-upload sa YouTube? Anong klase kang kaibigan?" Tanong ko. Mabilis kong pinindot ang delete.

"Ang KJ mo talaga ever." She said and wear her famous pout.

"At ako pa ngayon ang KJ. Tabi nga." Inis kong sabi at saka naglakad papalayo sa kanila.

"Hey, saan ka pupunta?"

"Sa lugar na malayo sa inyo."

-

Dumiretsyo ako sa may parking lot. Binuksan ko ang backseat at padabog na inihagis ang mga gamit ko. Kaya ayokong masyadong nagiging masaya dahil alam kong may kapalit na kabwisitan ang magiging araw ko. Magmula noong nakilala ko 'yong lalaking 'yon, naging paboritong salita ko na ang 'bwisit'. Nakaka-bwisit!

Kakasara ko pa lang ng pintuan sa may backseat noong biglang sumama ang ihip ng hangin at nag-on ang maldita radar ko.

"Kotse mo? Ang cute ha, ang liit." Rinig kong sabi noong lalaki. Boses pa lang nya, nakaka-irita na. Huminga ako nang malalim bago ko sya hinarap. Naka-cross arms sya at nakasandal sa sports car nya.

"May nakita ka na bang mini cooper na kasing laki ng bus?"

"Sinisigurado ko lang naman na kotse mo talaga 'yan."

"Hindi ka lang pala mayabang, tanga at bulag ka pa. Bubuksan ko ba 'to kung hindi sa akin 'to?"

"Bakit ang mga carnappernagbubukas ng kotse na hindi naman sa kanila?"

Ang kapal talaga ng mukha nya.

"Sinasabi mo bang carnapper ako? Wow!Sa yaman at sa ganda kong 'to? Kayang-kaya nga kitang bilhin, magkano ka ba, huh?"

"Ha-ha-ha-ha-ha, ang dami kong tawa sayo...lima." Kasabay ng pagtawa nya ang pagbibilang sa daliri nya. Pinakita pa nya ang palad nya.

"Wala akong sinabing carnapper ka. Huwag kang masyadong defensive, napaghahalata ka." Natatawang sabi nya.

"Huwag kang tumawa, ayokong nakikitang masaya ka. Ang kapal talaga ng mukha mo."

"Bakit may nakita ka na bang taong manipis ang mukha? Kung meron ka namang alam na tindahan na nagbebenta ng manipis na mukha, ituro mo sa akin at bibili ako. Baka lalo akong gumwapo."

Tinignan ko sya nang masamang-masama. Inuubos nya talaga ang pasensya ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako ngumiti sa kanya. Ngiti na hindi na nya gugustuhin pang makita.

"Kahit may alam akong tindahan na nagbebenta ng manipis na mukha, hinding-hindi ko sasabihin sa'yo. Hindi kasi bagay sa ugali mo. Namamangha nga ako sa'yo eh, ano bang ginagawa mo sa mukha mo at bakit sobrang kapal ng kalyo? 'Yung totoo, 'yan ba ang ipinanglalakad mo?"

Hindi sya nakapagsalita sa sinabi ko. Nawala din sa pagkakahalukipkip ang mga braso nya. Tinanggal nya ang sunglasses nya at tumingin nang masama sa akin. Ngitian ko lang sya. Ngiting tagumpay. Eh di natahimik ka ding Kupal ka.

Binuksan ko na ang pintuan ng driver seat at bago ako pumasok nilingon ko ulit sya.

"O? Aarte pa?" Saka ako pumasok sa kotse ko at pinakain sya ng alikabok.

Now we're even. Hindi ikaw ang taong tatalo sa akin.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionWhere stories live. Discover now