MALDITA 14

932K 26.5K 3K
                                    

Maldita 14

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula noong nangyari ang pangmayamang revenge ko. Tatlong araw na ding hindi nagpapakita sa akin si Avy. Ni anino nya hindi pa umuuwi sa bahay ko. Baka umuwi na ng China? Ang bilis naman, nag-uumpisa pa nga lang ako natakot na sya? Hindi ata kinaya ang presensya ko.

I'm about to eat my breakfast noong makita ko si Miranda na nakaupo sa may sala. Napangisi ako, mukha atang hindi pa nakakapagsumbong sa kanya ang alaga nya. Tapos na ako kay Ian at Avy, you're next Miranda. I call some 'lipat-bahay' to move on to my next plan for my last victim.

After an hour dumating na sila. Pinapunta ko sila sa kwarto ni Miranda at ipinakuha ko ang lahat ng gamit nya doon. Gulat na gulat si Miranda noong nakita nyang inilalagay sa isang malaking truck ang mga gamit nya.

"Anong ginagawa nyo? Akin 'yan! Ibaba nyo 'yan!" Natataranta nyang sabi sa isang lalaki habang pinipigilan ang paglalagay ng mga gamit nya sa truck.

"Napag-utusan lang po." Sabi noong lalaki.

"Nino?" Galit na tanong pa ni Witch.

"Ako. May problema ka?" Taas kilay kong tanong habang papalapit sa kanya.

"Anong karapatan mong gawin sa akin 'to?"

"I am firing you."

"Si Sir Victor lang ang pwedeng magpaalis sa akin."

"Paano 'yan? Wala si Sir Victor mo dito, nasa China. Wala din 'yong alaga mo, wala kang kakampi. Ang sad 'no?" Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

Tutal naman nagawa ko ng gantihan si Avy, there is no use to keep Miranda around. 'Yon lang naman ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang palayasin si Witch sa pamamahay ko, may contact sya kay Avy. And since hindi na naman importante pa sa akin ang sasabihin at magiging impression sa akin nina Mommy at Daddy might as well sulitin ko na din. Malaman man nila ang ginawa kong pagpapalayas kay Miranda, wala na sya.

"Hindi ako aalis dito." Pagmamatigas nya.

"Eh di 'wag kang umalis. Dyan ka lang sa kinatatayuan mo hanggang mamatay ka. Malaking pabor sa akin 'yon."

"Isusumbong kita sa Daddy mo."

"Dyan ka lang naman magaling...ang magsumbong. Nakakatawa lang dahil hindi mo man lang nagawang isumbong ang alaga mo sa pagnanakaw na ginawa nya noon. Sabagay, nakinabang ka naman. Balita ko nga, ikaw pa daw ang nagbigay ng idea sa kanya na gawin 'yon. Totoo ba ang chismis?" Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko.

After a year noong umalis sina Avy papuntang China nalaman kong sya ang nagtulak kay Avy para gawin 'yon at ako ang idiin. Worst is sa kapatid pa nyang si Yaya Sally ko nalaman. Nakakapagtaka daw kasi kung bakit nagkaroon ng malaking pera si Miranda. Si Yaya Sally ang paulit-ulit na nagsasabi sa akin na huwag akong magtanim ng sama ng loob sa kapatid ko dahil walang kasalanan si Avy pero hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya.

Nagkaroon din ako ng konting tampo noon kay Yaya Sally dahil hindi man lang nya nagawang sabihin ang totoo sa mga magulang ko. Naiintindihan ko naman sya noong sabihin nyang ayaw nya ding mapahamak ang kapatid nya. Kaya ako ang lumabas na masama sa lahat. Sana katulad na lang ni Yaya Sally si Avy, sana hindi din ako pinabayaang mapahamak ni Avy noon. Eh di sana ok kami ngayon.

"Oh? Bakit natahimik ka?" Natatawa ko pang tanong.

"W-Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Ok. Let's play pretend. Sino ka nga ulit?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Hindi naman maipinta ang pagmumukha nya.

"Ma'am nahakot na po namin lahat." Sabi noong lalaki.

"Daldalita!" Tawag ko sa maid na agad namang lumapit sa akin at iniabot ang dalawang cheke. Ibinigay ko sa lalaki ang isang cheke pambayad sa serbisyo nila. I hold the other checque and point it to Miranda's face.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon