MALDITA 19

932K 23K 6.9K
                                    

Maldita 19

Mataas na ang sikat ng araw pero para akong hindi natulog. Humiga lang ako sa kama ko at magdamag umiyak.

Peste kasing Avy 'yan. Wala nang ginawa kung hindi ang siraan ako at iangat ang sarili nya. Ang nakakainis pa, hindi ko alam kung bakit sya ganoon sa akin. Wala akong matandaan na ginawa ko noon para ganoon ang maging trato nya sa akin.

Natigilan ako sa pag-iisip noong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ms. Avah, nakahanda na po 'yong breakfast." Sabi ni Daldalita.

Tumango lang ako sa kanya at lumabas na sya ng kwarto ko.

-

Ilang minuto na din akong naka-ayos pero hindi pa din ako lumalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin ang mga magulang ko pagkatapos ko silang talikuran kagabi. Ngayon ko lang ulit sila makakasamang kumain sa iisang lamesa. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa bagay na 'yon dahil hindi ko alam kung gusto ba nila akong makasama.

Pagkatapos ng naging usapan namin kagabi ni Yaya Sally, hindi ko maiwasan na umasa na umuwi talaga sila para sa graduation ko at hindi dahil pinauwi sila ni Avy, but I doubt. Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko sa mga expectations ko.

Palabas pa lang ako ng kwarto ko noong magkatanggap ako ng text mula kay Mikee.

'Graduation practice at 1:00PM. In case you change your mind. I hope to see you there Avah.'

Pupunta ba ako? Bago pa man ako makapag-reply, tumunog na naman ang cellphone ko. Text message galing kay Hannah.

'See you later at the practice! :)'

Hindi ko sila nireplyan at bumababa na lang ako. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumunta sa dining area. Nandoon na silang lahat at kumakain. Ngumiti sa akin si Yaya Sally at ipinag-urong pa ako ng upuan. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Natahimik sila sandali noong umupo ako. Ni hindi ko sila tinignan at kumain na lang ako ng tahimik.

"Good Morning ha." Sarkastikong bati ni Avy. I rolled my eyes and pursed my lips hard trying my best to ignore her remark.

"Bastos ka talaga. Hindi mo man lang binati sina Mommy?" Dagdag nya.

"Birthday ba nila? Hindi naman 'di ba?" Walang ganang tanong ko.

"Wala ka talagang respeto 'no?" Pumikit ako nang mariin saka ko sya sinagot.

"Respeto? Madami ako noon, gusto mo bigyan kita para maging tao ka?"

"Avah." Mahinang sita sa akin ni Mommy. Tsk, ako na naman ang nakita. Nakakainis. Ngumisi pa si Avy sa akin, akala mo naman bagay sa kanya.

"I've heard you failed to be a Summa Cum Laude or Cum Laude at the least." Sabi pa ni Avy. Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Oh? Tapos?"

"Pag-aaral na nga lang ang gagawin mo dito, hindi mo pa nagawa.Ano bang pinagka-abalahan mo dito, gumala? Bakit hindi ka nag-aral nang mabuti?Pero ok lang 'yan, at least naka-graduate ka." Halata namang labas sa ilong. Palibhasa kasi, Cumlaude sya. Hindi ko din alam kung paano nangyari 'yon siguro nag-cheat. Kainis.

"Hindi ba itinuro sa'yo na kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang?"

"Ok. You're rude. I'm just voicing out my opinion here." Sabi nya at umarte pang nasaktan. Ok, That's it! Ang kapal talaga ng mukha.

"Unang-una, hindi ko kailangan ng opinyon mo kaya sarilinin mo na lang. Pangalawa, kumilos ka nang nababagay sa edad mo. At pangatlo, nasa hapag-kainan tayo, wala tayo sa teatro kaya tigilan mo 'yang pag-dradrama mo." I snapped.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon